'I Juander,' ano ang orihinal na inihaw ni Juan?
I JUANDER IHAW
I Juander, ano ang orihinal na pagkaing inihaw sa bayan ni Juan?
Ngayong Miyerkules, November 06, 2019
Bukod sa karaniwang barbecue, isaw, adidas at Betamax, may kakaibang inihaw din na matitikman lang sa Gapan, Nueva Ecija. Gaya ng bersyon nila ng kwek-kwek na imbis na nakabalot sa harina at piniprito, kinukulayan nila mismo ang nilagang itlog saka iniihaw. Ang tawag nila rito, hokbu. Pati palong ng manok, paborito rin daw ihawin ng mga Gapanense!


Beki+ Barbecue equals Bekique! Ito ang peg ng ihawan nina Arlene at Harry. Pero hindi lang daw pangalan nila ang kakaiba, kundi pati ang kanilang mga itinitinda. Gaya ng kanilang bacon barbecue, tofu bacon at chili bacon na hindi palalagpasing matikman ni Cesar Apolinario.


Maki-join kina Susan Enriquez at Cesar Apolinario sa isang nakagugutom na usapan ngayong Miyerkules sa I Juander, alas-otso nang gabi sa GMA News TV. At alamin ang sagot sa tanong ni Juan:
I Juander, ano ang orihinal na pagkaing inihaw sa bayan ni Juan?
English Synopsis:
Filipinos are certified food lovers. Aside from our famous adobo and sinigang, there is a way of cooking that is almost always present on our menu, it is grilled foods. Know the stories behind the “grill culture”, join Susan Enriquez and Cesar Apolinario in a fun and mouth-watering episode as they try different Filipino grilled dishes.