Zero-waste lifestyle tips, alamin!
I JUANDER, PAANO TAYO MAKATUTULONG SA PAGBABAWAS NG BASURA NI JUAN?
January 22, 2020
Miyerkules, 8 PM sa GMA News TV
Tapon dito, tapon doon. Ito raw ang sakit ng maraming Pilipino. Kaya nga ang problema ng basura sa bansa, mahirap masolusyunan. Kung susumahin, sa mahigit isandaang milyong populasyon ng Pilipinas, nasa apatnapung libong tonelada o dalawampung trak ng basura ang itinatapon ni Juan kada araw.
_2_(1)_2020_01_20_17_53_29_0.jpg)
_3_(1)_2020_01_20_17_53_29_1.jpg)
Problema raw noon ng Barangay Potrero sa Malabon ang kanilang basura kaya nga madalas silang nakararanas ng pagbaha. Pero ngayon, sila na ang kinikilalang “Zero Waste Model Barangay.” Ang mga basura ng mga residente rito, naka-segregate. Ang mga nabubulok, ginagawa nilang pataba o fertilizer. At ang mga bagay na mapakikinabangan pa, kanilang nire-recycle. Sa ngayon, mayroon silang “94 Percent Diversion Rate” o yung dami ng basura na nagagawa nilang kapaki-pakinabang.
_4_(1)_2020_01_20_17_53_29_2.jpg)
_5_(1)_2020_01_20_17_53_29_3.jpg)
“Zero Waste Lifestyle” naman ang isinasabuhay ni Monique. Mula sa pag-iwas sa paggamit ng mga single-use na plastic hanggang sa pagsubok ng urban gardening kung saan ginagamit niyang pataba ang mga nabubulok na basura. Sa kabuuan noong isang taon, nagkasya lang daw sa tatlong container ang basurang itinapon ni Monique.
_6_(1)_2020_01_20_17_53_29_4.jpg)
_7_(1)_2020_01_20_17_53_29_5.jpg)
Sa paggunita ng “Zero Waste Month” ngayong Enero, samahan si Susan Enriquez at tumutok sa I Juander ngayong Miyerkules, alas-otso nang gabi sa GMA News TV. At alamin ang kasagutan sa tanong ni Juan:
I Juander, paano tayo makatutulong sa pagbabawas ng basura ni Juan?
ENGLISH:
The Philippines ranked third among countries named as worst plastic polluters in the ocean. The study mirrors the worsening waste problem of the country, bringing in more threats to the environment. I Juander will present the bigger picture of waste from house to local government units’ initiatives, to residents and communities lacking discipline to deal with waste properly as part of daily living. Let’s hear the stories of individuals who are practising “zero waste lifestyle”.