ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

I Juander, ano-ano ang mga kuwentong kababalaghan sa mga pasyalan ni Juan?


I JUANDER: HORROR PASYALAN AT BAKASYUNAN
FEBRUARY 26, 2020
MIYERKULES, 8 PM SA GMA NEWS TV

May mga pasyalan daw kung saan mapapatili si Juan, hindi lang dahil sa mga exciting na karanasan kundi dahil ang mga lugar na nababalot din daw sa kababalaghan?

 

Bilang “Surfing Capital of the Northern Philippines”, dinarayo ang probinsya ng La Union kapag ganitong papalapit na ang summer. Pero para sa mga naghahanap ng kakaibang experience, bakit hindi raw subukan ang kanilang “Kararua Tour” kung saan ang pamamasyal, sinabayan ng ghost hunting. I Juander, kayanin kaya ito ng powers ni That's My Bae Miggy ng Eat Bulaga? Ang kanilang pupuntahan, isang abandonadong hotel and beach resort sa bayan ng Bauang.

 

 

“The Asylum”, isa itong bagong atraksyon na kabubukas lang noong isang taon, ang sinumang mangahas na pumasok, makakaharap sina Leatherface, Pennywise at Vhalak na pawang mga karakter mula sa mga sikat na Hollywood movies. At para maiba naman ang karanasan ni Susan Enriquez, imbis na takutin, siya mismo ang mananakot. I Juander, maging epektib kaya ang pananakot niya sa Asylum bilang white lady?

 

 

Kung ang ilan ay dinarayo pa ang mga scary pasyalan, may ilan namang hindi na kailangan pang lumayo para makaranas ng nakakahindik balahibong pangyayari. Sa isang baranggay sa San Rafael sa Bulacan, nahuli sa CCTV ang ‘di umano’y white lady na nagbabantay sa lugar. Totoo nga kayang white lady ang nakunan ng CCTV ng baranggay at ano kaya ang pakay nito sa mga residente?

Alamin ang kasagutan ngayong Miyerkules, alas-otso ng gabi sa GMA News TV.

 

 

ENGLISH:

Summer vacation is near, and many Juans are preparing for travel plans. And while others want to enjoy and bring home happy memories, some would like to experience a unique challenge and creepy stories. This coming Wednesday, Susan Enriquez and segment host Miggy Tolentino take us to haunted yet exciting destinations. I Juander, 8 PM, on GMA News TV.