Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
IJuander

Putaheng Pinoy, may katulad sa ibang bansa? Alamin sa IJuander!?


Isa ang Lechon sa mga sikat at hindi nawawalang putahe tuwing may okasyon dito sa Pilipinas. Pero hindi lang pala sa bayan ni Juan matitikman ang crispy nitong balat. Si Arianne, isang pinoy na nakapag-asawa ng portuguese at ngayon ay naninirahan na sa Porto, Portugal, nawawala raw ang pagka-miss nya sa Pilipinas dahil sa “leitao”.

 

 
 
May isang putaheng Pinoy na maihahambing daw sa tradisyunal na Mexican beef stew. I Juander, ano ang pagkakapareho at pagkakaiba ng caldereta sa tinatawag nila “Birria?”
 

 

Nang manirahan sa bansang Kenya sa Africa, hindi raw maikakaila ng Pilipinong si Solomon na nanibago siya pagdating sa kanilang kaugalian, kultura at maging sa pagkain. Pero naibsan daw ang kanyang paninibago at pangungulila nang matikman ang isang African dish na kalasa raw ng kare-kare ng mga Pinoy. Ito ang tinatawag nilang “Mafe” na mayroon din sarsa na mula sa peanut butter. Sa tagal ng paninirahan niya sa Kenya, na-master na nga raw ni Solomon ang pagluluto ng Mafe at ito ang kanyang ibibida.

 

 

Parehong bigas ang pangunahing produkto ng Pilipinas at Thailand, dahilan kung bakit maraming pagkakatulad ang dalawang bansa pagdating sa pagkain. Gaya ng mga tradisyunal na miryendang Pinoy, gawa rin sa malagkit ang kanilang mga panghimagas. At ito ang misyon ni Denmar na isang guro doon, ang mahanap at matikman sa Thailand ang katumbas ng suman, biko, sapin-sapin at iba pang mga miryendang Pinoy.

 

 

Samahan sina Susan Enriquez at Mark Salazar ngayong Linggo sa I Juander, 7:45 PM sa GTV.


At alamin ang tanong sa sagot ni Juan:

I Juander, ano-ano ang mga pagkain sa bayan ni Juan ang may katulad sa ibang bansa?