Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
IJuander

Pagkain sa Patay sa ikalawang bahagi ng IJuander Halloween Special!


PAGKAIN SA PATAY

Para sa ikalawang bahagi ng Halloween Special ng I Juander, sama-sama nating tuklasin ang iba’t ibang pagkain sa patay sa loob at labas ng bayan ni Juan.

Pamosong pinadiriwang ang “Halloween” sa buong mundo. Ang selebrasyong ito, pinaniniwalaang nagmula sa bansang Ireland.

 


 

At ang ilan sa hindi nawawalang pagkaing tuwing Halloween sa Ireland ay ang Barmbrack cake at Colcannon. Alamin ang mga kwento sa likod ng mga pagkaing ito na may kinalaman daw sa ating mga kapalaran?

A Día de Todos los Santos at Día de los Difuntos kung tawagin ang Undas sa bansang Ecuador. Tuwing sasapit ito, hindi maaaring mawala ang magkapares na guaguas de pan at colada morada paraan para gunitain ang mga namayapang mahal sa buhay. Pinaniniwalaan nilang katawan ito ng namayapa habang ang inumin naman ang dugo nito.

 

 

Karaniwan ng inihahanda tuwing sasapit ang Undas dito sa atin ang mga malagkit na kakanin, pero sa bansang Spain, mga dulce o matatamis na pastries at desserts naman ang bumibida. Ang dalawa nga sa kanilang kilalang dulce ay ang Huesos de Santo at Buñuelo na makikita at matitikman mo lamang sa mga pasteleria doon tuwing Undas.

 


 

Samantalang dito sa atin sa Pilipinas, kapag nalalapit na ang katapusan ng buwan ng Oktubre, kaliwa’t kanang makikita sa bayan ng Aguilar sa Pangasinan ang isang sinusunog na kakanin. Nakasanayan ng mga Pangasinense na iugnay ito sa Pista’y Inatey dahil sa kulay nitong itim at sa panahon kung kailan ito inaani. Bukod sa lagi itong nakahain sa mesa at inaalay sa mga altar, ibinibigay din ito sa mga cantores na nagbabahay-bahay habang kumakanta tungkol sa mga nananawagang kaluluwa.

 


 

Lahat ng mga kakaibang pagkaing ito sa darating na Linggo, 7:45PM sa GTV.

ENGLISH SYNOPSIS:

Offering food for deceased loved ones is not only a common Filipino tradition during the observance of All Souls’ and All Saints’ Days, but also a well-known tradition in different parts of the world. For the second part of I Juander's two-part Halloween Special, let's taste some of the food for the dead in different cultures here and abroad as we commemorate our departed loved ones.