Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Negosyo ng YouTuber na si Toni Fowler, ipapasilip sa IJuander!


Ngayong Linggo, hindi lang isa, hindi lang dalawa kundi apat na tanong ang bibigyang kasagutan nina Susan Enriquez at Mark Salazar.

At dahil bakasyon ang mga tsikiting at maulan, ang una nilang aalamin, I Juander ano-anong mga indoor pasyalan ang patok ngayon sa mga kids at kids at heart? Kasama ang mag-asawang vlogger na sina Omni at Bryce na mas kilala sa social media bilang The Clingy Fam, pati na ang kanilang tatlong anak, isang enchanting adventure ang naghihintay sa kanila sa Tales of Illumina. At pagkatapos, papasyalan naman nila ang kauna-unahang baking studio sa bansa. Kumasa din sa cake decorating challenges sina Susan at Mark.

Speaking of pasyalan, I Juander, saan naman kaya ang mga bike friendly na cafe na malapit lang sa Metro Manila? Kasama ang “sparkle artist” na si Anjay Anson, pumadyak papuntang Antipolo kung saan isang restaurant ang dinadayo hindi lang dahil sa masasarap na pagkain kundi dahil din sa makapigil hiningang view.

I Juander, ang motor na kakarag-karag, posible pa kayang mabalik sa dating ganda? Yan daw ang problema ni Josephine sa motorsiklo niyang mahigit anim na taon nang hindi umaandar. Mapaganda pa kaya ito ni Paul na kilala sa pag-customize ng mga motor?

At sa panahon ngayon na umiikot ang buhay ng maraming Juan sa social media, I Juander, paano nga ba ito nakatutulong sa pagpapalago ng negosyo? Ito ang ishe-share ng isang dating dancer turned social media influencer at ngayon isa na ring businesswoman, walang iba kundi si Toni Fowler a.k.a Mommy Oni. Ibabahagi rin sa atin ni Doc Yappy kung paano dumami ang kanyang mga pasyente dahil sa kanyang mga beauty enhancement Tiktok videos.

Abangan lahat ng 'yan ngayong Linggo sa I Juander, 7:45 nang gabi sa GTV.