ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Identity theft
Episode on July 19, 2008 Saturday, 9:30 p.m. Ellwyn C. Reyes has an internet connection from a reputable service provider. All her personal information are recorded in her subscription records; including her passport number, telephone number and parents' name. But another Ellwyn C. Reyes showed up at Imbestigador Sumbungan ng Bayan office. She claims that her identity is being used. She found out about it when she applied for an internet connection. The service provider company has an existing subscriber of the same name. Ellwyn was shocked when she found out that all the information on the subscription records are the same with hers except for the contact number and i-d. picture. This Saturday, watch as these two persons meet face-to-face. Who among these two ladies is the real Ellwyn Reyes?
Sa internet service provider, nakalista bilang subscriber si Ellwyn C.Reyes. Kumpleto ang kanyang contact details, may telepono at may pangalan ng magulang. May passport din si Ellwyn na kumpleto sa impormasyon tungkol sa kanyang pagkatao. Pero isang nagpakilalang Ellwyn C. Reyes ang lumutang at nagreklamo sa Imbestigador. Ang kaniyang pagkatao raw kasi ay ginagaya. May ipinakita pa siyang birth certificate at bagong passport. Sino kaya sa dalawang babaeng ito ang totoo at sino ang impostora? Sa pagsisiyasat ng Imbestigador, lumalabas na isa lang sa kanila ang totoong Ellwyn. Nang mag-apply si Ellwyn ng internet connection sa kilalalng service provider, nagulat siya dahil meron na raw nakalista sa kanyang pangalan. Dahil sa pangambang may gumaya ng kanyang pangalan, ala-imbestigador siyang nagsaliksik. Nakuha niya ang contact number ng internet subscriber na kapangalan niya. Lalo siyang nagulat dahil ang birthday at pangalan ng magulang ng subscriber parehong-pareho ng sa kanya. Sa pakikipagtulungan ni Ellwyn at Imbestigador, nalaman pang may pasaporte na rin palang naka-issue kay Ellwyn na mayroong ibang passport id picture. Lalo itong ipinagtaka ni Ellwyn dahil katatapos pa lamang niyang mag-renew ng pasaporte at hawak-hawak pa niya ito. Ikinatakot ng totoong Ellwyn na baka ginagamit na sa kalokohan o krimen ang kanyang pangalan at mga dokumento. Ngayong Sabado, abangan sa Imbestigador ang paghaharap ng totoong Ellwyn at ng impostora na gumagamit ng pangalan niya. Mga Ibang Istoryang Aaksiyonan Tadtad ng Reklamo Canal de-clogging na hindi nangyari, ghost employee na pinasusuweldo, tanggapan na ginawang paupahan, sports facility na hindi raw natanggap ng mga atleta, at nakaw na kuryente ng barangay hall - ilan lamang ito sa mga reklamo ng tatlong barangay kagawad laban sa kanilang chairwoman at asawang dating chairman. Ano pa kaya ang mabibisto sa inspeksyon ng Meralco, opisyal ng Quezon City hall at Imbestigador? Tagay University Sa bayan ng Malolos sa Bulacan, isang tambayan ng mga estudyante ang tila bagsak sa grado dahil sa pagbibenta nito ng alak sa mga bata. Ang lugar ay tinaguriang Tagay University dahil ang mga kursong itinuturo dito, beer management at liquor 101. Tanghali ang opening ceremony, kaya naman ang mga parokyano este estudyante nagkukumahog para pumasok. Masisipag ang mga estudyante dahil inaabot sila ng madaling araw ang tagayan. Sumbungan ng Bayan Lumapit ang inang si Luningning Avelino sa Sumbungan ng Bayan na nababagabag sa paglayas ng menor de edad na anak noon pang Pebrero 2008. Ang balita niya, sumama ang kanyang kinse anyos na anak sa kasintahan nito sa Cagayan de Oro. Kaya agad nakipag-ugnayan ang Imbestigador sa DSWD Makati at DSWD CDO. Sa kabutihang palad, agad nakita ang anak ni Luningning sa CDO. Ngayon ay mapapauwi na ito upang makapiling muli ang nananabik niyang pamilya.

Tags: iimbestigador
More Videos
Most Popular