ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Unsanitary tofu factory
Episode on July 26, 2008 Saturday, 9:30 p.m. Mike Enriquez' Imbestigador looks into a tofu factory which includes rust, saw dust and human sweat among their "secret" ingredients. Imbestigador's camera captured all the unsanitary practice of this factory. Cleanliness, ventilation and worker welfare are certainly not in the list of priorities for the owners of this factory. Imbestigador showed the surveillance videos to sanitary officers from the city hall. They agreed to do a surprise inspection, and they themselves were surprised to see how filthy the factory is.
Masarap, mura at masustansiya. 'Yan ang tokwa -- pagkaing Pinoy na Pinoy. Kabilang ba ito sa mga paborito niyong pagkain? Eh kung matuklasan mo ang kakaibang sangkap sa tokwa ng isang pabrika, kakain ka pa kaya? Sa tip na natanggap ng Imbestigador, may pagawaan sa Barrio San Jose, Caloocan City na may pambihirang sahog sa tokwa. Minanmanan ng kamera ng Imbestigador ang proseso at kalakaran sa pagawaang. Nabisto ng Imbestigador na marumi at makalat ang paligid, nanggigitata ang sahig at may maliit pang kanal na tila barado. Nangingitim na sa dumi at kinakalawang na rin ang gilingan ng soya beans, ang pangunahing sangkap sa paggawa ng tokwa. Ang kusot o saw dust na nakadikit sa panggiling nililipad papunta sa soya. Ang kanilang lutuan nanlilimahid din sa dumi. Ang ma latang lalagyan ng tokwa, kinakalawang na. Mainit at halos walang bintana sa loob ng factory kaya nakahubad ang mga manggagawa. Ang kanilang mga pawis nasasama na sa soya at tokwa. Para matigil na ang kadugyutan, umaksiyon na ang Imbestigador kasama ang mga opisyal ng Caloocan. Sa inspeksyon patung-patong na paglabag ang nakita sa pagawaan. Abangan ang kahindik-hindik na mga tagpo ngayong Sabado sa Imbestigador, 9:45pm sa GMA7. Mga Ibang Istoryang Iimbestigahan Serbisyo Pub"LIKO" Inilapit ni Mayet sa Imbestigador ang reklamo niya laban sa mga nanggigipit at nangongotong sa kanya. Tatlong kalalakihan daw ang nanakot sa kanya kaya humingi siya ng tulong sa mga pulis na agad naman rumesponde. Nahuli ang mga taong nananakot sa kanya. Pero hindi rito natapos ang problema ni Mayet. Ngayon kasi ang mga pulis naman ang nanghihingi sa kanya ng tig-isang libong at pang-krudo dahil daw sa kanilang pagresponde. Model Barangay? Sandamakmak na reklamo ang inilapit ng tatlong kagawad sa Sumbungan ng Bayan. Inirereklamo nila ang kanilang barangay chairman at ang kanyang asawa na dating chairman. Marami raw ghost employees at projects ang mag-asawa. Ginawa rin daw paupahan nag kanilang barangay hall kaya hindi magamit na tanggapan.

Tags: imbestigador
More Videos
Most Popular