ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

"Kukoy" na semento ibubulgar ng Imbestigador


Episode on August 16, 2008 Saturday, 9:30 p.m. Orig at purong semento na may halong puting abo, ang tawag rito – “kuykoy" na semento. Ito ang raket na ibubunyag ni Mike Enriquez sa Imbestigador ngayong Sabado. Isa kaya ang bahay mo sa ipinatayo gamit ang malabnaw na semento? Nabulgar ng Imbestigador na namamakyaw ng saku-sakong semento ang R&A Concrete Products, Gravel & Sand sa Fairview, Quezon City. Sa kanilang bodega binubutas ang ibaba ng sako at hinahalo ang “white stone" o puting abo sa orig at purong semento. Tinatagpi ulit ang mga sako kapag nahaluan na. Ang isandaang sako, higit doble na ang bilang matapos kuykuyin. Ibinebenta nila ito ng halos P180 kada sako, mas mura ito kumpara sa mahigit P200 kada sako ng orig at purong semento. Nasundan ng kamera ng Imbestigador ang mga walang kaalam-alam na hardware at construction site na binabagsakan ng mga kuykoy na semento. Nakakabenta raw ang R&A ng mahigit isanlibong sako ng kuykoy na semento kada araw. Mapanganib para sa tao ang tumira o manatili sa mga sub-standard na bahay at gusaling ipinatayo gamit ang mga kuykoy na semento. Kaya ipinaalam ng Imbestigador sa Department of Trade & Industry at sa grupo ng cement manufatcturers ang raket na ginagawa ng R&A. Sa paglusob ng otoridad sa kanilang bodega, huling-huli ang mga sementong may halong abo at nadiskubre pang gumagamit ng shabu ang mga trabahador dito! Huwag palalampasin ang makapigil hiningang mga eksena sa pagguho ng negosyo ng kuykoy na semento pati na rin ng mga ibang anomalya ngayong Sabado sa Imbestigador, 9:45 ng gabi sa GMA7.
Tags: imbestigador