ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Krisis
Episode on December 6, 2008 Saturday, 9:30 p.m. An Imbestigador Special Report on the Global Financial Crisis As the world gears up for a global recession, Imbestigador looks into how Filipinos are coping with the latest financial crisis. The global crisis started in the U.S. last year but it began to show its effects in the middle of 2008. Stock markets have fallen, giant institutions have collapsed and governments of even the wealthiest nations had to come up with rescue packages to bail out their financial systems. The Department of Labor estimates that half a million Filipinos will lose their job in the next year. This number includes thousands of Overseas Filipino Workers expected to come home. Eliza is one of twenty-seven Filipinos sent home from Taiwan last month. The factory Eliza was working for has closed shop. She was forced to return to Isabela without a peso to her name. Eliza's parents pawned their farm land to raise 140,000 pesos for her trip abroad. What awaits Eliza's family now? In New York, Imbestigador documents the plight of Violy. As caregiver and baby nanny, Violy used to work seven days a week. But even her rich employers are cutting back on expenses. Now, Violy finds herself idle most of the time - with very little money to send to her family in the Philippines. Tons of canned tuna meat risk spoilage at warehouses in General Santos City. As orders for export become scarce, forty thousand fishermen worry about their livelihood. Daniel, a longtime tuna fisherman, recently made the difficult decision to stop sending his children to school. For the past couple of years call center agents have become among those with the highest starting salaries. Mostly servicing US-based companies, the call center industry is also facing a slump. Agents' minimum pay of 18,000 pesos a month may be reduced in half by next year. Still some experts believe the Philippines is not as badly hit as other nations. Imbestigador also profiles Filipinos who saw opportunities amidst the current crisis. Don't miss this special report from Mike Enriquez' Imbestigador, Saturday 9.30pm on GMA 7.
Sa pagharap ng buong mundo sa matinding problema ekonomiya, aalamin ng Imbestigador kung paano pilit nilalampasan ng Pinoy ang kasalukuyang krisis. Nagsimula ang krisis sa Amerika noong nakaraang taon bagamat naramdaman ang epekto nito sa kalagitnaan lang ng 2008. Maraming negosyo ang bumagsak - una na rito ang mga kumpanyang may kinalaman sa pabahay at insurance. Nagbagsakan din ang stock markets at ang mga gobyerno ng pinaka-mauunlad na bansa kinailangang lumikha ng mga "rescue packages" para isalba ang kanilang ekonomiya. Tinataya ng Department of Labor na mahigit kalahating milyong pinoy ang mawawalan ng trabaho sa darating na taon. Kabilang rito ang libu-libong OFWs na maaaring pauwiin kahit hindi pa tapos ang kanilang kontrata. Kabilang si Eliza sa 27 na pinauwing manggagawa mula sa Taiwan kamakailan. Umuwi siya ng Isabela na wala man lang naipon. Hindi pa natutubos ng kanyang pamilya ang bukirin na isinanla nang magbayad si Eliza ng P140 libong placement fee para sa kaniyang byahe. Sa New York, USA naman nakilala ng Imbestigador si Violy. Ilang taon ng baby nanny at caregiver si Violy sa Amerika. Dati rati pitong araw sa isang lingo ang trabaho ni Violy. Pero ngayon, maski ang mayayaman niyang amo'y nagtitipid na rin. Mas maraming day off na ngayon si Violy kaya't hirap na hirap na sa pagpapadala ng pera sa naiwang pamilya. Samantala sa General Santos City, tone-toneladang de lata ng tuna ang nagbabadyang mabulok. Humina na raw kasi ang order para sa isdang pangunahing export ng probinsya. Isa si Daniel sa apatnapung libong mangingisdang umaasa sa eksportasyon ng tuna. Wala raw nagawa si Daniel kundi ihinto sa pag-aaral ang mga anak dahil madalang na lang silang pumalaot ngayon. Pati mga call center agents dama rin ang epekto ng krisis. Dati ang mga ahente ng call center ang isa sa may pinaka-malaking starting salaries. Ngayon ang dating 18,000 na sweldo maaaring mangalahati na lang raw. Sa kabila nito, may mga ekspertong naniniwalang bahagya lang ang epekto ng pandaigdig na problema sa ating bansa. May mga Pilipino rin na nakakita ng ginintuang mga oportunidad sa gitna ng krisis. Huwag palampasin ang espesyal na ulat ng Imbestigador ni Mike Enriquez ngayong Sabado, 9.30 ng gabi sa GMA 7.

Tags: imbestigador
More Videos
Most Popular