ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Love problems on Imbestigador
Episode on February 14, 2009 Saturday, 9:30 p.m. This Valentines Day, Mike Enriquez will investigate problems concerning devastating matters of the heart. Tune in this Saturday for different love stories that lead to messy fights, lawsuits and even imprisonment. The Heartbreaker âMaria" met a guy named Roy through text. It seemed like love at first sight until Roy excused himself and never came back. Then Maria discovered that her cell phone was missing too. After a while, Roy contacted her to break her heart for the second time. Apparently, Roy found nude pictures of Maria in her cell phone and threatened to expose the pictures if she wonât pay! The Abortionist In Pagsanjan, Laguna, Imbestigador discovered an abortion clinic that is in good business as the sari-sari store in front of it. Several women secretly go there to terminate the child in their womb. With the help of the police, Imbestigador raided the clinic and even caught the abortionist in action! A Complicated Love story This story is about a woman whose husband went abroad to work. She learned that her husband was having an affair. So she sought the help of a policeman to file a case against her husband. However, she fell in love with this policeman and had an affair with him. Now the OFW husband went home and discovered this, and filed a complaint...as well as the policeman's former wife. How will this complicated love story end? Donât fail to watch the Valentine episode of Imbestigador, this Saturday, after Kapuso Mo, Jessica Soho, on GMA.
Ngayong araw ng mga puso, iimbestigahan ni Mike Enriquez ang mga problemang may kinalaman sa pag-iibigan. Huwag palalampasin ang mga maiinit at naglalagablab na kuwento ng pagmamahalan at hiwalayan na humahantong sa awayan, demandahan hanggang sa kulungan! Heartbreaker Pala! Sa pamamagitan ng pagti-text, nanumbalik daw sa biyudang si âMaria" ang matatamis na ngiti. Umaasa rin siyang manunumbalik ang na-miss na niyang romansa sa buhay. Naging ka-textmate niya ang isang nagpakilalang Roy, na tulad niya ay naghahanap din daw ng bagong pag-ibig. Hanggang sa nagkasundo silang mag-eyeball. Pero sa halip na sumaya, lalong nalungkot si Maria dahil ang katagpuan niya, heartbreaker pala! Hiniram daw saglit ni Roy ang cellphone niya at biglang hindi na nagpakita. Ngayon ipinatutubos pa ito ni Roy kay Maria kung hindi ay ikakalat daw ng lalaki ang mga hubad na larawan ni Maria sa cellphone niya! Bunga ng Pagmamahalan, Inaayawan! Ang labis na pagmamahalan, puwedeng magbunga ng sanggol sa sinapupunan. Pero hindi raw lahat handa sa resulta ng pag-iibigan, at ang naiisip na paraan: kitilin ang buhay sa sinapupunan. Sa Pagsanjan, Laguna may ganitong serbisyo na inaalok sa likod ng isang tindahan. Nang maimbestigahan at maaksyonan, nakapangingilabot ang madadatnan ng operatiba at Imbestigador, Huling-huli sa akto ang aborsyonista at pasyente niya! Mga Asawa Nating Dalawa Ang mag-asawa, nagsusumpaan sa harap ng dambana na magsasama sa hirap at ginhawa. Pero hindi lahat ng sumpaan natutupad, tulad ng nangyari sa mag-asawang nakilala ng Imbestigador. Nangibang bansa si mister para maitaguyod ang kanilang tatlong anak. Kalaunan, nabalitaan ni misis na may bago nang pamilya si mister sa ibang bansa. Humingi ng tulong si misis sa isang pulis para kasuhan si mister. Pero hindi nagtagal, nagkamabutihan naman si misis at ang pulis. Ngayon, si mister na ang nagrereklamo at magdedemanda! At may humahabol pa, nagrereklamo na rin ang dating asawa ng pulis! Ano kaya ang kahihinatnan ng kawing-kawing na dramang ito? Abangan ang mga kapana-panabik at makapigil hiningang eksena sa mga kuwentong ito na siniyasat at inaksyonan ng Imbestigador, ngayong Sabado, pagkatapos ng Kapuso Mo Jessica Soho sa GMA7.

Tags: imbestigador
More Videos
Most Popular