ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
IMBESTIGADOR's 10th Anniversary Presentation
IMBESTIGADOR's 10th Anniversary Presentation It started as an idea ten years ago. The best minds of GMA News and Public Affairs cultivated this idea -- and put together a show that will not only expose corruption or air grievances of the oppressed, but will fearlessly take concrete action against guilty parties. Today, IMBESTIGADOR is known to be the most credible investigative program in the country . Having been recognized by different award-giving bodies, IMBESTIGADOR is also one of GMA's longest-running Public Affairs flagship programs. Hosted by award-winning news anchor and radio commentator Mike Enriquez, IMBESTIGADOR took investigative reporting to the next level by providing tangible and immediate solutions to victims of injustices, mostly ordinary Filipinos who have lost hope. Don't miss IMBESTIGADOR's special anniversary episodes as veteran and award-winning radio and television broadcaster Mike Enriquez and his team celebrates the 10th anniversary of IMBESTIGADOR beginning September 18 , 2010 on GMA. "CYBERKIDS" IMBESTIGADOR Special Report on Children Forced into Cybersex Operations September 18, 2010 IMBESTIGADOR uncovered a shocking means of livelihood in an impoverished community somewhere in the city of Taguig : a number of the residents there are involved in an illicit cybersex trade. Some of the alleged cybersex operators exploit young children as young as six years old; they are used as performers in the heinous cybersex operation. IMBESTIGADOR found out a shocking detail: the children's parents allowed, or in some cases, even coerced their children to perform sexual acts for an international audience of sick pedophiles. IMBESTIGADOR, together with the National Bureau of Investigation- Cyber Crimes Division and the Department of Social Welfare and Development, immediately devised a plan to rescue the children, arrest the operators and stop the cybersex operations. As it turned out, more shocking and dreadful secrets were discovered from the computers of the alleged cybersex operators! "SMUGGLED PINOYS" IMBESTIGADOR Special Report on Human Trafficking September 25, 2010 In exchange for a chance at a better life, a considerable number of Filipino workers risk everything, from their safety to their savings, just to secure a decent job abroad. But in some cases, they instead end up surrendering their fate on the hands of unscrupulous human traffickers who are only interested in selling them to the highest bidder. These unknowing victims of modern day slavery end up more miserable than the impoverished lives they left in the Philippines . They are delivered, exported and sold to foreign syndicates in different parts of the world like commodities with a corresponding price tag. They are the Smuggled Pinoys. On its tenth year of providing unique and fearless brand of exposes, hard-hitting investigative reports and compelling cases , Mike Enriquez and his entire IMBESTIGADOR team enter the sinister but organized realm of human trafficking predators and their prey . Through extensive preparation, research and documentation, IMBESTIGATOR will trace the trafficker's trail and expose their illicit methods of recruitment: from convincing the innocent victims in the most impoverished areas in the Philippines , to smuggling them to one of Southeast Asia's primary destination for trafficked persons - Malaysia . "A DECADE OF IMBESTIGADOR" October 2, 2010 From the time the show was launched, the phrase "Hindi ka namin tatantanan!" has been the show's famous battle cry. Since then, it has also become IMBESTIGADOR's mission: to relentlessly help victims of exploitation and bring those accountable to justice. Because of the increasing number of persons who turn to IMBESTIGADOR, the show established its own Action Center , now known as "Sumbungan ng Bayan Office". The center is open 5 days a week to receive complaints, which in turn are channeled to different agencies. Free legal clinics all over the country are also organized by the Sumbungan ng Bayan Office in order to augment the program's public service. With more than 500 episodes, 2,000 stories, and over 100,000 people helped, IMBESTIGADOR really made true to its promise. With the help of different agencies, infamous characters were caught red-handed and put to jail, big-time syndicate groups busted, and countless women and children were spared from danger and exploitation. But aside from the action-packed rescues and operations, IMBESTIGADOR also probed into problems of national concern. Big-time government corruptions were exposed and lifestyle checks of suspected anomalous government officials were performed. Indeed, a decade of IMBESTIGADOR's Serbisyong Totoo greatly contrubuted in changing the system --- and consequently, a number of lives for the better.
IMBESTIGADOR , ANG IKA-10 ANIBERSARYONG PAGTATANGHAL Nagsimula ito sa ideya sampung taon na ang nakararaan. Ang ideya na ito ay hinubog ng mga pinakamagagaling na utak ng GMA News and Public Affairs at bumuo ng isang programa na hindi lamang maglalantad ng korupsyon at bibigyan ng boses ang mga naapi, kundi walang takot rin na gagawa ng hakbang laban sa mga mapang-abuso. Ngayon, ang award-winning na Imbestigador ang pinakagkakatiwalaang investigative program sa bansa. Isa rin ang IMBESTIGADOR sa pinaka matagal na flagship program ng GM Public Affairs. Pinangungunahan ng award-winning news anchor at news commentator na si Mike Enriquez, binigyan ng konkreto at agad na aksyon ang mga biktima ng pang-aabuso.karaniwan sa kanila ay mga ordinaryong Pilipino na tila nawalan na ng pag-asa. Huwag palampasin ang mga espesyal na pagtatanghal sa ika-sampung anibersaryo ng award-winning radio at tv broadcaster kasama ang kanyang team, IMBESTIGADOR, simula ngayong September 18 , 2010. "CYBERKIDS" IMBESTIGADOR Special Report on Children Forced into Cybersex Operations September 18, 2010 Makapanindig- balahibo ang natuklasan ng IMBESTIGADOR tungkol sa sikretong hanap-buhay ng ilang residente sa isang mahirap na barangay sa Taguig City. Ilan pala sa mga naninirahan doon, sangkot sa cybersex operation. Lalu pang nakakagulat na ilan sa mga cybersex operator doon ay mga batang paslit ang ginagamit! Kasali sa gumagawa nito ang mga batang babaeng may edad na anim hanggang labing-anim na taong gulang! Pero mas nakababahalang malaman na ang nagtutulak sa mga bata sa ganitong gawain ay ang mismong mga magulang nila! Isang plano ang agad na kinasa ng IMBESTIGADOR, kasama ang National Bureau of Investigation- Cyber Crimes Division at Department of Social Welfare and Development. Layunin ng Imbestigador na masagip ang mga bata, mahuli ang mga operator at tuluyan nang matigil ang walang konsensyang cybersex operation. Nang lusubin ang lugar, marami pang nakakayanig na lihim ang natuklasan ni Mike Enriquez mula sa mga computer ng mga cybersex operator! SMUGGLED PINOYS" IMBESTIGADOR Special Report on Human Trafficking September 25, 2010 Sa pagnanais na matamasa ang mas maginhawang buhay sa labas ng bansa, isinusugal ng ilang Pilipino ang kanilang buhay at pangarap, habang wala silang kamuwang-muwang na naibebenta na ng mga human trafficker ang kanilang kaluluwa. Masaklap at masahol ang buhay na kanilang nadadatnan, malayung-malayo sa mas masaganang buhay na kanilang pinapangarap. Ito ang mga imaheng ipinipinta ng mga Pilipinong biktima ng human trafficking - inilalako, ini-eksport at ibinebenta sa mga dayuhang sindikato sa iba't-ibang dako ng mundo. Animo'y mga produkto silang ikinakalakal at may presyong naka-angkla sa kanilang mga ulo - sila ang mga smuggled Pinoy. Sa ikasampung taon ng matapang na pagsisiwalat ng katotohanan, mapangahas na pag-iimbestiga, at makabuluhang pagtalakay sa mga napapanahong isyu, buong-tapang na papasukin ni Mike Enriquez at ng Imbestigador ang mundo ng mga human trafficker at ng kanilang mga biktima. Mula sa pinakamahihirap na lugar sa Pilipinas kung saan karaniwang nagmumula ang mga walang kamuwang-muwang na biktima, ibinibiyahe silang parang mga produkto sa isa sa mga bansa sa Timog Silangang Asya na tila naturingan bilang pangunahing importer ng mga ikinakalakal na tao - ang Malaysia. Huwag na huwag palalampasin ang komprehensibong imbestigasyong ito na tatalakay sa karanasan ng mga Pilipinong nabubuhay sa anino ng pangamba at kawalang pag-asa - Smuggled Pinoys: Imbestigasyon sa Human Trafficking, ngayong Setyembre 25, 2010, Sabado ng gabi sa GMA. "IMBESTIGADOR, ISANG DEKADA NA!" October 2, 2010 Mula nang ilunsad ang IMBESTIGADOR, naging sigaw na nito ang ngayon ay pamosong linya, "Hindi ka namin tatantanan!" Ang katagang ito ay naging misyon ng programa: ang walang pagod na pagtulong sa mga biktima ng eksploytasyon at ang pagharap sa hustisya ng mga taong may pasimuno nito. Dahil sa dumadaming mga taong lumalapit sa IMBESTIGADOR, buomuo ang programa ng sarili nitong Action Center na ngayon ay kilala bilang "Sumbungan ng Bayan Office". Bukas ang pinto ng center limang araw sa isang linggo at tumatanggap ng mga reklamo na siya naming dinudulog din sa iba't ibang ahensya. May mga libreng legal consultation din na binuo ang Sumbungan ng Bayan Office sa buong bansa para mapalawig pa ang serbisyong pampubliko. Mahigit 500 episodes, 2,000 na mga istorya, at mahigit 100,000 taong natulungan, tunay na tinutupad ng programa ang kanyang pangako. Sa tulong ng iba't ibang ahensya, nahuli sa akto at ipinakulong ang mga taong sangkot sa iligal na gawain, malalaking sindikato ang binuwag, at hindi mabilang na kababaihan at kabataan na ang nasaisalaba mula sa kapahamakan. Pero bukod sa maaksyon na mga rescue at iba pang operasyon, malalimang tiningnan din ng IMBESTIGADOR ang problema na may kinalaman sa pamahalaan tulad ng lifestyle checks sa mga hinihinalaang tiwaling kawani ng gobyerno. Tunay nga na naging intrumento ng pagbabago ang isang dekadang pagseserbisyo publiko ng IMBESTIGADOR at napabuti ang buhay ng ilan sa ating mga kababayan.

More Videos
Most Popular