ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

"Dugyot na Panaderya, Pinuno ng Pamilya Tulak, at Mga Masahistang May Extra"


Episode on February 5, 2011 Saturday after Kapuso Mo, Jessica Soho
"Dugyot na Panaderya, Pinuno ng Pamilya Tulak, at Mga Masahista: Mga Istoryang Iimbestigahan, Ibubulgar at Tutugisin ni Mike Enriquez sa Imbestigador"
Patuloy sa pagtugis ng mga inirereklamong establisimiyento at sindikato ang Imbestigador ngayong Sabado! Huwag palalampasin ang imbestigasyon at pagbulgar ng tropa ni Mike Enriquez sa mga inirereklamong dugyot na panaderya, ang pagtugis sa pinuno ng diumano'y pamilya tulak, at ang pagpapatigil sa higit pa sa masaheng alok ng mga masahista sa isang spa. Bakery Kadiri? Apat na sangay ng isang panaderya ang inireklamo sa Imbestigador dahil sa kadugyutan. Ang mga kagamitan hindi nalilinisan, ang pagawaan ng tinapay at mga kasangkapan pinamamahayan na ng mga ipis. Ang mga panadero wala naman daw pakialam sa kalinisan, wala ang mga ito ng damit pang-itaas habang nagmamasa ng tinapay. Dati na rin palang ininspeksyon ng lokal na pamahalaan ang isang sangay nito dahil na rin sa diumano'y kadugyutan. Kaya ngayon nanganganib na silang ipasara ng tuluyan ng mga kinauukulan. PDEA Most Wanted sa Pasay, Tiklo! Noong nakaraang taon, nadokumento ng Imbestigador ang malakihang paglusob ng otoridad sa pinaghihinalaang kuta ng pamilyang sangkot sa iligal na droga sa Pasay City . Nahuli ang ilang miyembro ng pamilya pero ang diumano'y ulo nila ay nakapuslit. Sa muling paglusob ng alagad ng batas, mahuli na kaya ang mailap na pinuno? Mga Masahista, Panandaliang Aliw raw ang Ibinebenta! May mga masahista raw na bumibida sa isang spa sa Quezon City . Pero higit pa sa masahe ang inaalok sa mga kustomer. Umpisa pa lang daw ng masahe, hubo't hubad na ang mga masahista. May sarili rin silang website at puwede pang ilabas ang mga masahista!