ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
"Glutathione" at "Anak ng Tinapa!"
Episode on June 25, 2011 Saturday after Kapuso Mo, Jessica Soho GLUTATHIONE Kung ikaw ay may kutis kayumaggi at gustong magpaputi, may mabilis daw na paraan para makamit ito. Ang Glutathione vials o injectible daw ang solusyon sa problema mo. Ang kaso, mahal raw ito at hindi abot-kaya ang presyo. Kaya naman naglipana ang iba't-ibang ads sa internet na nag aalok ng mas mura at mas epektibo daw na uri ng Glutathione vials. Patok na patok raw ang alok ni Patrick na Glutathione vials sa Internet. Sa halagang dalawang libo at limang daang piso lang may sampung vials ka na at magagamit mo na ng mahigit sa dalawang buwan na gamutan. Kumpara daw sa mga dermatology clinic na mahigit tatlong libong piso hanggang pitong libong piso kada turok ng Glutathione. Pero si Ana, nagreklamo sa Imbestigador, gumgastos na raw siya ng mahigit sa tatlong libong piso sa inalok na produkto ni Patrick pero ang pangako na puputi siya tila hindi nya nakakamit. Sumbong pa ni Ana nagsusuka at lagi pa siyang nahihilo kapag itinuturok ang nabiling Glutathione. Kamakailan lamang naglabas ng BABALA ang FDA o Food and Drug Administration na hindi nila aprubado ang Glutathione vials bilang pampaputi. Pinayuhan ang publiko na itigil ang pag gamit nito dahil sa mga di inaasahang side effects na maaring maidulot nito sa katawan ng tao. Abangan ang magiging aksyon ng CIDG Anti- Organized Crime Division sa IMBESTIGADOR, Sabado ng gabi. ANAK NG TINAPA! Sentro ng industriya ng bangus ang Dagupan, Pangasinan. Lahat daw ng putaheng maaaring lutuin sa bangus katulad ng lumpia, inihaw, relyeno, sinabawan, prito, at tinapa mas masarap kung ang bangus ay galing sa bayan nila. Pero sa pagsisiyasat ng IMBESTIGADOR tila may isang pagawaan ng tinapang bangus sa Pangasinan ang kinapos sa kalinisan. Talaga namang yuckieee daw ang kanilang kagamitan at pagawaan. Dahil sa init at usok ang mga trabahadow walang pang itaas na damit. Nangigitata at maputik ang kanilang sahig. Ang mga batyang kalawangin at tila madumi daw ang tubig na gamit sa pagtimpla ng bangus bago gawing tinapa. Sa video na nakunan ng IMBESTIGADOR, talaga namang mapapa-anak ng tinapa kayo sa kadugyutan na inyong makikita.
More Videos
Most Popular