ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
"Pamilya Singhot, Cariño Brutal at Wanted sa Batas"
Episode on July 9, 2011 Saturday after Kapuso Mo, Jessica Soho PAMILYA SINGHOT Sa Maynila madalas makita ang mga batang laman ng lansangan bitbit ang isang plastic na bote na naglalaman daw ng isang nakakaadik kemikal. Sa pag-iimbestiga ng inyong Sumbungan ng Bayan, tila kendi lang ito kung ibenta ng isang mag-asawa sa tabi ng National Museum sa Luneta Park. Sa halagang trenta pesos high na high na ang mga batang palaboy sa lansangan sanhi ng pagsinghot ng solvent. Sa buong araw na bentahan ng mag-asawa ng solvent nadiskubre namin maging ang kanyang mga anak na menor de edad suminghot at nagbebenta na rin ng nakaka-adik na kemikal. Nadiskubre pa ng imbestigador na protektado pala ng pulis ang mag-asawa. At ang kanilang binibigay na suhol para pagtakpan ang kanilang ilegal na gawain⦠hindi pera kundi gasoline para sa personal na motorsiklo ng pulis. CARINO BRUTAL Naabutan namin si Sara sa Meycauyan Police Station sa Bulacan na bugbog sarado at puno ng pasa ang buong katawan at ang kanyang anak bali naman ang braso.Kapwa sila biktima ng pagmamalupit ng kanyang asawa na si Orlando Torres, tatlongput apat na taong gulang na isang trycycle driver. Ang kanilang mga kapit bahay nasaksihan ang ginawang krimen ni Orlando. Huling- huli rin sa video ang pagtadyak, panununtok at pagpalo sa mga maseselang bahagi ng katawan ng kanyang asawaâ¦mga eksenang tila sa isang massacre movie mo lang makikita. Dahil sa kaawa-awang sinapit ni Sara at ng kanyang anak, hinanap ng Imbestigador si Orlando kasama ang mga pulis Meycauyan. Binalikan namin at hinalughog ang kanilang tahanan, maging ang kaniyang mga paboritong tambayan. Pero wala na doon si Orlando. Mahuli pa kaya ng mga otoridad ang abusadong asawa ni Sara o tuluyan na itong nagtago sa batas? WANTED SA BATAS Labing anim na taon natulog ang hustisya para sa Pamilya Lampaan ng Sapang Palay, Bulacan. Hatinggabi ng Enero 1, 1995, pinatay ang haligi ng kanilang tahanan ng magkapatid na Mike at Nani Silo, ilang metro lang ang layo mula sa kanilang bahay. Ang maingay at masayang pagsalubong nila sa bagong taon habang nag-iinuman ay nauwi sa mainit na pagtatalo ng mga suspek at biktima. Diumano ay bigla na lang hinampas ng isang suspek ang biktima sa ulo ng napalaking bato habang naglalakad ito. Sasaksakin pa sana ito ng isa pang suspek, ngunit bumulagta na ang biktima sa sahig. Taong 1996 nang ilabas ang warrant of arrest para sa magkapatid. Ilang taon din nagtago ang mga suspek, ngunit sa tulong ng IMBESTIGADOR at mga awtoridad hindi na nila matatakasan ang batas at nagmumultong katarungan para sa biktima at pamilya nito.
More Videos
Most Popular