ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Extra service sa spa, kotong MMDA, at binggo session ng MAPSA


BULUNGAN SA SPA: Hindi nakaligtas sa hidden camera ng IMBESTIGADOR ang isang Class A Spa sa Metro Manila. Ayon sa sumbong ng isang asset, may patagong gimik daw kasi ito sa kanilang serbisyong inaalok. Hindi katulad ng ilang ilegal na massage parlor na may showroom ng mga babaeng masahista, ang gimik daw ng LOUVRE SPA, iwas raid. Bubulungan lang ang receptionist at maari na daw magbigay ng extra service ang kanilang magagandang mahahista. Ngayong bistado na ng IMBESTIGADOR ang kanilang gimik, ligtas pa rin kaya sa raid ang LOUVRE SPA sa mga operatiba? BARYA-BARYANG KOTONG NG MMDA SCOG: Sa Philcoa QC naghahari -harian daw ang ilang myembro ng MMDA Sidewalk Clearing Operation Group (SCOG). Reklamo ni "Milan" sa IMBESTIGADOR SUMBUNGAN NG BAYAN, hindi na raw niya nasikmura ang pangongotong ng apat niyang kabaro sa MMDA. Halos apat na daang piso daw ang kinita ng mga ito araw-araw. Agad naming itong inimbestigahan at huling huli ng aming survailance camera ang pag abot sa kanila ng barya at byente pesos na kotong mula sa mga sidewalk vendors. Kaya naman isang joint operation ng CIDG NCR at IMBESTIGADOR ang ikinasa para malambat ang mga notorious na nangongotong na MMDA- SCOG. LIBANGAN SA ORAS NG TRABAHO: Dahil sa isang sumbong sa IMBESTIGADOR SUMBUNGAN NG BAYAN, ilang myembro ng Makati Public Safety Assistance Group o MAPSA at ilang pulis ang nakunan ng aming survailance camera na abala, hindi kanilang trabaho kundi sa kanilang libangan na pag-bibingo. Huling huli ang mga ito na nakatambay sa isang Bingohan at naglalaro habang nakauniporme at sa oras ng kanilang trabaho.