ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Inuman malapit sa eskwelahan?


Kabilin bilinan daw ng mga lola sa mga bata, huwag uminom ng serbesa . Ngunit ayon sa isang sumbong sa IMBESTIGADOR, SUMBUNGAN NG BAYAN may ilang bars daw sa loob mismo ng Intramuros sa Maynila na ilang hakbang lang ang layo sa mga paaralan ang tila pasimuno sa mga masamang bisyo ng mga estudyanteng minor de edad pa. Sumbong pa sa amin, sa halip daw na mag aral, ang mga estudyante tila busy sa kanilang mga extra curricular activities. Magdamag na party at drinking session ang inaatupag. Sa halip na sunog kilay sa pag aaral tila sunog baga raw ang nakakahiligan. At sa patuloy namin pag iimbestiga, nadiskubre naming matagal na palang may closure order ang mga bars na ito pero patuloy pa rin ang kanilang operasyon. Kaya naman sa pag sanib pwersa ng Manila Chapa at IMBESTIGADOR agad naipasa ang pasaway na mga gimikan.