Pekeng Dentista, Albularyong Masahista at Dugyot na Keso
HEALING HANDS? Isang manggagamot ang inireklamo ng ilang kababaihan sa isang bayan sa Antipolo. Kakaiba raw kasi ang style ng pagpapagaling ng mga may sakit ng nagpakilalang spiritual healer. Base sa kanilang sumbong sa Imbestigador tila naka sentro raw ang panggagamot nito sa dibdib ng kaniyang mga babaeng pasyente. Kahit daw kasi nasa ulo o likod ang dinaramdam na sakit ng pasyente, pilit sinasabi nito na nakulam ito at may diperensya sa dibdib, sabay lamas sa sensitibong katawan ng kanyang pasyente gamit ang ipinagmamalaki nitong healing hands. Kaya naman agad inilapit ng imbestigador sumbungan ng bayan ang kanilang hinaing sa Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care (PITACH) at Criminal Investigation and Detection Droup (CIDG) upang wakasan ang panloloko ng nagpapakilang spiritual healer. MGA PEKENG DENTISTA NG LAGUNA? Matagal ng problema sa laguna ang mga nagkalat na dental technician na nagpapanggap na mga dentista. Ayon sa philippine dental association o pda kinakagat ito ng ilang mga pasyente dahil sa bagsak presyong halaga nito sa pag-gawa ng pustiso, retainers at braces. Pero sa halip na makamura tila peligro ang inabot ng ilan sa mga pasyente ng mga pekeng dentista. Sa pagmamanman ng imbestigador nakilala namin si ruel na ang tinuturing na klinika nasa likod ng isang bachoyan. At kahit hindi dentista tila malakas ang loob niyang maglagay ng braces sa mga pasyente niya. Isang nagngangalang julius ang sunod naming tiniktikan. Base sa pda ilang reklamo na ang nakarating sa kanilang tanggapan dahil sa pag susukat nito ng pustiso sa mga kliyente nya. Nang aming bisitahin ang kanyang klinika nagulat kami sa aming nakita. Ang dental laboratory ni ruel nasa isang talyer.. Two in one⦠garahe na dental laboratory pa. DUGYOT NA PALAMAN Isang sumbong ang nakarating sa imbestigador. Isang bahay raw sa bangkusay, tondo maynila ang nagrerepak ng mga hinihinalang expired at rejected na palaman sa tinapay gaya ng mayonnase at keso. Huling huli ng hidden camera ng imbestigador ang proseso ng kanilang pagrerepak at kadugyutan ng kanilang pagawaan. At may bonus pa kaming nakunan, dahil ang ilan sa kanilang inihandang keso may halong dumi mula sa mga ipis na nagkalat sa kanilang pagawaan. Nang ipasuri namin ang mga nabili naming palaman, kumpirmado⦠ayon mismo sa mga experto hindi ito pasado para sa sikmura ng tao dahil positibo ito sa mga mapaminsalang mikrobyo.