ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Oplan Cliffhanger, isang Imbestigador Special Report


IMBESTIGADOR
OPLAN: CLIFFHANGER
Imbestigador Special Report Airing date: April 28, 2012
 
Natural na tumutubo ang marijuana sa malalamig na lugar.  Pero dahil kabilang ito sa mga inaabusong droga sa bansa, mahigpit ang kampanya ng mga kinauukulan laban sa pag-aalaga ng mga taniman nito.
 
Pero tila naging kalakaran na ng ilang residente sa ilang sitiong nasasakupan ng Bakun, Kibungan at La Trinidad sa lalawigan ng Benguet ang pag-aalaga ng plantasyon ng marijuana. May kabuuang limampu’t isang plantasyon ng marijuana ang nakumpira sa mga nasabing lugar.
 
Kaya sa pangunguna ng PDEA-Cordillera, inilunsad ang OPLAN CLIFFHANGER. Sanib-puwersa sa operasyon ang mga ahensya ng PDEA, PNP, NBI at AFP para sa malawakang operasyong sisira sa ilang ektaryang taniman ng marijuana.
 
Ekslusibong nasubaybayan ng IMBESTIGADOR ang paglulunsad ng OPLAN CLIFFHANGER mula sa pagpaplano hangang sa paglusob sa mga delikadong bahagi ng mga sitio.  Karaniwang sa mga bangin at mga liblib na parte kasi ng kabundukan ang plantasyon para mas mahirap susugin.
 
Tumataginting na dalawang daang milyong piso ang kabuuang halaga ng mga natimbog na marijuana.
 
Kasabay ng malawakang operasyon, natimbog rin ng mga otoridad at ng IMBESTIGADOR ang tatlo sa matitinik umanong tulak ng marijuana sa kalapit na siyudad ng Benguet.  Nangyayari ang bentahan ng iligal na droga sa isang kilalang destinasyon sa lungsod ng Baguio.  Nahuli sa magkasunod na operation ang mga nagtutulak ng ipinagbabawal na droga.
 
Lahat ng ‘yan, di tinantanan ng IMBESTIGADOR, ngayong Sabado ika-28 ng Abril!
Tags: plug