ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Isang dermatologist sa Bulacan, isinumbong sa 'Imbestigador'
Imbestigador Mga Reklamong Inaksyunan ng Sumbungan ng Bayan Airing Date: February 17, 2013 PEKENG DERMA?
May kaduda-duda umanong dermatologist sa Bulacan. Umaastang derma pero mukhang huwad naman pala. Isang ginang ang lumapit sa Sumbungan ng Bayan. Ang kanyang reklamo, sa halip na gumaling, lalong napasama raw ang simpleng pangangati sa balat ng asawa. Mula sa maliit na peklat, lalong dumami raw ang sugat at pantal ng kanyang mister! Totoo nga bang espesyalista o peke ang nagpakilalang derma? DROGA, VIDEO KARERA, ATBP. Bitbit ang labing limang search warrants, isang malawakang operasyon ang ikinasa ng mahigit dalawandaang pulis sa Barangay Canlalay, Binan, Laguna. Ang kanilang misyon – puknatin ang talamak na bentahan at gamitan ng ipinagbabawal na gamot. Pero bukod sa droga, notoryus din umano ang lugar sa video karera. Ilang pinaghihinalaang sasakyan din ang nakumpiska sa lugar na walang kaukulang papeles. Abangan ang pagsuyod ng Imbestigador at ng mga otoridad sa mga sulok ng Barangay Canlalay upang wakasan ang mga iligal na gawain. Panoorin ang Imbestigador ngayong Linggo, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!
May kaduda-duda umanong dermatologist sa Bulacan. Umaastang derma pero mukhang huwad naman pala. Isang ginang ang lumapit sa Sumbungan ng Bayan. Ang kanyang reklamo, sa halip na gumaling, lalong napasama raw ang simpleng pangangati sa balat ng asawa. Mula sa maliit na peklat, lalong dumami raw ang sugat at pantal ng kanyang mister! Totoo nga bang espesyalista o peke ang nagpakilalang derma? DROGA, VIDEO KARERA, ATBP. Bitbit ang labing limang search warrants, isang malawakang operasyon ang ikinasa ng mahigit dalawandaang pulis sa Barangay Canlalay, Binan, Laguna. Ang kanilang misyon – puknatin ang talamak na bentahan at gamitan ng ipinagbabawal na gamot. Pero bukod sa droga, notoryus din umano ang lugar sa video karera. Ilang pinaghihinalaang sasakyan din ang nakumpiska sa lugar na walang kaukulang papeles. Abangan ang pagsuyod ng Imbestigador at ng mga otoridad sa mga sulok ng Barangay Canlalay upang wakasan ang mga iligal na gawain. Panoorin ang Imbestigador ngayong Linggo, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho! More Videos
Most Popular