ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Paghuhukay para sa ginto sa Bulacan, bubusisiin ng 'Imbestigador'


Imbestigador
Airing Date: July 7, 2013

SAKAL-KASAL

Malayo sa “fairy tale wedding” na pinangarap ni Joan ang nangyari sa kanya. Matapos ipagkasundo ng sariling ina, nakatakda sanang ipakasal ang nakababata niyang kapatid sa isang dayuhan. Pero napilitang mag-alsa balutan ang kanyang kapatid dahil sa pagtutol sa plano ng ina. Ang kaso – wala na raw atrasan sa magaganap na kasalan. Pinagbabayad kasi ng malaking halaga at pinababalik ng dayuhan ang mga naibigay niya sa pamilya ni “Joan” sa oras na hindi matuloy ang kasalan. Kaya si “Joan” ang naipit sa kompromiso. Napilitan siyang magpakasal sa dayuhan na labag sa kanyang kalooban. Hindi nalagay sa tahimik ang buhay ng dalaga matapos ang kasalan. Ang pagsasama kasama ang dayuhan, nauwi sa sapilitan ding pagtatalik! Makakawala pa kaya si “Joan” sa kanyang kalagayan?

HUKAY

Paniwala ng isang residente, may ginto sa kanilang lupa sa Bulacan. Kaya naman walang patid siya sa paghukay. Pero ang paniwalang ito, ngayo’y nagdulot ng peligro. Sa patuloy na paghuhukay na aabot na raw sa animnapung talampakan, apektado na ang ng suplay ng tubig sa barangay. Hindi na raw dumadaloy ang tubig papunta sa mga kabahayan. Dagdag pa rito, nangangamba rin ang mga residente sa maaring nakaambang pagguho ng lupa. Magandang kapalaran nga ba ang dulot ng hukay o perwisyo sa buong barangay?

Huwag palampasin ang  Imbestigador ngayong Linggo sa GMA 7 pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!