ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang hindi naagnas na bangkay ni Lola Ibe sa 'Imbestigador' 


Imbestigador
Airing Date: September 1, 2013

Nakahimlay ang bangkay ni “Maria de Juan Basañes” o mas kilala ngayon bilang “Lola Ibe” sa Barangay Casanayan, Pilar, Capiz. Pero taong 1929 pa raw nang binawian ng buhay si Lola Ibe! Sampung taon din siyang nailibing sa sementeryo nang magplano ang kaniyang pamilyang ilipat siya ng libingan. Doon natuklasan na buo pa rin ang bangkay ni Lola at hindi raw ito naagnas! Mula noon, himala itong itinuring ng mga kaanak ni Lola Ibe pati na rin ang ilang kapitbahay. Hanggang sa dinayo na ang bangkay ng mga taga ibang lugar.

Pero hindi raw doon natapos ang himala sa Barangay San Antonio, lalawigan din ng Capiz.

Isang babae na kilala sa pangalang “Inday” ang nanagip diumano kay Lola Ibe. Sa panaginip daw ni Inday, may ipinapagawa raw sa kanya si Lola Ibe. Naging instrumento umano ng hindi naagnas na labi ni Lola Ibe si Inday para manggamot ng may karamdaman.

Tunghayan ngayong Linggo sa Imbestigador ang katotohan sa likod ng tila hindi naagnas na bangkay ni Lola Ibe.