ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Bantay-salakay: Ang pagkakatiklo ng most wanted ng Bobon
Ang kuwentong ito ay unang itinampok sa "Imbestigador". Ang mga larawang ginamit ay halaw sa pagsasadula. Napapanood ang "Imbestigador" tuwing Linggo ng gabi sa GMA-7, 9:15 PM, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho. I-like ang official Facebook page ng Imbestigador para sa updates.

Mataas ang pangarap ng noo'y 15 taong gulang na si "Hannah", hindi niya tunay na pangalan. Malapit na rin kasi siyang magkolehiyo at iniisip na niya kung anong kurso ang gusto niyang kunin. Gaya ng ibang kabataang mulat sa hirap ng buhay, nais din ni Hannah na magtagumpay balang-araw para makatulong sa mga magulang.
Inspirasyon ni Hannah ang kanyang Kuya Tony. Sa taglay kasing sipag at tiyaga ng nakatatandang kapatid, nakakuha na ito ngayon ng magandang trabaho. Nakatutulong na rin ito sa mga gastusin nila sa bahay. Gustung-gusto ni Hannah na maging kagaya ng Kuya Tony niya.
Subalit masaklap pala ang kapalarang nakaguhit para sa dalaga.
Isa sa mga matalik na kaibigan ng kanyang Kuya Tony si Noel Notado, 22 taong gulang. Magkasama ang dalawa sa trabaho. Sa katunayan, si Tony pa ang naging instrumento para matanggap si Noel sa pinapasukan. "Nakita ko 'yung resume niya, taga-rito rin sa Bobon, Samar. Siya na ang pinili ko,” pahayag ni Tony. “Masipag 'yan si Noel, hindi nale-late ‘yan at gustong matuto."
Naging malapit din ang dalawa at itinuring nang kaanak ng pamilya nina Tony si Noel. "Mabait 'yan at maalalahanin. Nakakapagsabi pa ako ng personal na problema sa kaniya," dagdag ni Tony.
Natapos ang kontrata ng magkaibigan sa kompanyang pinapasukan. Masuwerteng natanggap sa ibang bansa si Tony kaya naman ipinagkatiwala niya ang kapatid at mga magulang sa matalik na kaibigan. Nangako naman si Noel na babantayan ang pamilya ni Tony habang siya'y wala.
Sa pamamasada ng habal-habal napasok si Noel. kaya naman nakaugalian na rin ni Hannah na sumabay sa kanya sa tuwing papasok sa paaralan. Minsan, sinusundo rin siya ng matalik na kaibigan at inihahatid sa bahay.
Pero isang gabi pala ang kailanma'y hinding-hindi malilimutan ni Hannah – ang gabing ginahasa siya ng mismong taong pinagkatiwalaan niya.

Bantay-salakay
Tandang-tanda pa rin ni Hannah ang bawat detalye ng pangyayari: Nobyembre 19, 2010, inalok daw ni Noel si Hannah na umangkas sa kanyang motor para ihatid pauwi. Lagi namang nakikiangkas sa motor si Hannah kaya wala namang kahulugan sa kanya ang sabay nilang pag-uwi. Kay Noel, iba na pala ang ibig sabihin noon.
"Niyaya niya ako na sumabay sa kaniya, pero lumagpas po kami sa bahay namin," salaysay ni Hannah. "Sabi ko sa kanya na ibalik na niya ako sa bahay. Sinusuntok-suntok ko 'yung likod niya kasi kinakabahan na ako. Sabi niya sa akin huwag daw ako malikot at baka mahulog kami.”
Nababalot na ng kaba sa dibdib si Hannah pero pilit nitong pinakakalma ang sarili. Sa kabila ng kanyang tamang hinala, inimbitahan pa raw siya ni Noel na kumain muna sa kanilang bahay. Mayroon kasing kaunting salu-salo at ipakikilala raw siya ni Noel sa pamilya bilang kapatid ng matalik niyang kaibigan. Matapos kumain, inutusan na raw ng kanyang mga magulang si Noel na ihatid ang dalaga.
Madilim ang daan pauwi sa bahay nina Hannah. Dito na sinamantala ni Noel ang pagkakataon.
"Iniliko niya po sa isang lugar na madilim ‘yung motor. Tapos po, sinakal niya po ako tapos sinabihan niya ako na huwag daw ako maingay at papatayin niya ako,” ani Hannah. “Takot na takot po ako. Pinaghahalikan niya po ako sa leeg. Ibinaba niya po ‘yung pantalon ko, itinaas niya po ‘yung paa ko sa motor tapos ipinasok niya po ‘yung ari niya sa ari ko."
Kalapastanganan ang inabot ni Hannah mula sa mga kamay ng itinuring na niyang pangalawang kuya.
"Gusto ko pong sumigaw pero hindi po ako makasigaw. Ang sakit sakit po nung ginawa niya. Pagkatapos po niya, kinuha niya po ‘yung panyo ko na nakatali sa kamay ko, ipinunas niya po sa ari niya at ipinunas niya sa ari ko tapos inulit niya po ulit. Takot na takot po ako,” lumuluhang dagdag ng dalaga. “Alam ko po, papatayin na ako. Mayroon po kasing ni-rape dito sa amin tapos chinop-chop." Akala raw niya, iyon na ang mga huling sandali niya sa lupa.
Pero umasta lang daw si Noel na tila walang nangyari. Nagpatulong pa ito kay Hannah na itulak ang motor paitaas para maihatid siya sa bahay.

Kinimkim sa sarili
Pagdating sa kanilang tahanan, agad daw nilinis ni Hannah ang sarili. "Nilinis ko po ang katawan ko. Tapos umiyak na lang po ako. Hindi ko po pinaririnig sa mga magulang ko. Tinanong po ako ng tatay ko kung saan ako galing, sabi ko po sa bahay ng classmate ko," sabi niya. Kinimkim din ni Hannah sa sarili ang pangyayari. Sinikap niyang mamuhay nang normal at kalimutan na lamang ang kahalayang sinapit.
Subalit naghihintay pa pala sa kanya ang mas matinding dagok. Isang buwan matapos ang pangyayari, hindi pa rin dinadatnan ng buwanang dalaw ang dalaga.
Sinikap pa ring itago ni Hannah ang nangyari. Ibinenta pa niya ang kanyang mga gamit para makabili ng gamot pampalaglag. Ayaw niyang ituloy ang pagbubuntis sa bunga ng paglapastangan sa kanya.
Sa payo ng kanyang malalapit na kaibigan, naglakas-loob si Hannah na ipagtapat ang mga pangyayari sa kanyang mga magulang. Ikinuwento ni Hannah sa ama't ina ang panggagahasa sa kanya ng taong itinuring na nilang kaanak.

"Na-interview ang bata, 15 years old siya at that time, minor siya. Sinabi niya na ni-rape siya ng isang Noel Notado, and nagdadalang-tao siya," ayon sa isang social worker na tumulong sa counselling ni Hannah. Nagsampa naman ng kasong rape laban kay Noel ang pamilya nina Hannah.
Tinangkang makipag-areglo ng pamilya ni Noel at inalok daw nilang ipakasal ang dalawa. Pananagutan daw ni Noel ang bunga ng kanilang pagsasama. Iginiit din nilang magkasintahan sina Noel at Hannah at hindi niya ito pinagsamantalahan.
Mariin namang pinabulaanan ni Hannah ang mga pahayag ng pamilya ni Noel. "Hindi po ako pumayag noon. Hindi po ako sasama sa tao na bumaboy sa akin," galit na pahayag ng biktima.
Dito na raw nagtago si Noel, na kalauna'y naging una sa Most Wanted Persons List ng bayan ng Bobon, Northern Samar. "Nasa number one most wanted siya. Dinaig pa niya ‘yung murder cases," sabi ng pulisya.
Mag-isa namang itinataguyod ni Hannah ang sanggol. Magtatatlong taon na ang bata samantalang si Hannah ay 19 taong gulang na. Ipinagpapatuloy ni Hannah ang kanyang pag-aaral ngayon sa kolehiyo. "Kapag wala po akong ginagawa sa weekends at bakasyon, nagtitinda po ako ng ice cream. Dito ko na rin kinukuha ang panggastos namin ng anak ko," kuwento ng dalaga.

Most wanted, natiklo
Kamakailan, nakatanggap ng tip ang Criminal Investigation and Detection Group-Calabarzon sa maaaring kinaroroonan ng suspek sa panggagahasa. Base sa impormasyon, isang Noel Notado raw na pinaghahanap ng batas ang nakatira sa Calamba, Laguna.
Kasama ang mga kawani ng pulisya at mga miyembro ng programang "Imbestigador", minanmanan ang lugar na sinasabing pinagtataguan ni Noel. Nang mahagip ng aming mga camera ang isang lalaking natutulog, agad ipinadala kay Hannah ang mga ito para makumpirma ang pagkakakilanlan ng suspek.
Nang positibong tinukoy ni Hannah na si Noel Notado nga ang nahanap ng “Imbestigador”, hindi na rin nag-aksaya ng panahon ang mga awtoridad. Dinakip si Noel para panagutin ang salang panggagahasa, kung saan isang mandamiento de aresto na ang ipinalabas ng korte sa Northern Samar.
Pinagharap din sina Noel at Hannah subalit hindi na napigilan pa ng dalaga ang sarili na pagbuhatan ng kamay ang suspek. Ikinatuwa naman ng mga magulang ni Hannah ang pagkakadakip dito. "Parang nawalan ng mabigat na pakiramdam. Masaya ako na nahuli na ang suspect. Salamat po sa inyo nakita na siya," pahayag ni Mang Domeng, ama ni Hannah.
Inilipat na si Noel sa pangangalaga ng Bobon PNP habang dinidinig ang kaso. Handa naman daw ang kanyang pamilya na sagutin sa korte ang kasong kinakaharap ng kaanak.
Si Hannah naman, kahit papaano'y napanatag na ang loob matapos ang apat na taong paghihintay. Akala raw kasi niya'y wala nang pag-asa ang kaso. "Salamat po sa CIDG at sa Imbestigador, nahuli na po siya," aniya.
Maaaring naging madilim ang nakaraan ni Hannah ngunit hindi siya papapayag na igupo siya ng mga multo ng nakalipas. "Mahal na mahal ko po ang anak ko," aniya. Mag-isa man niya itong pinapalaki sa ngayon, pipilitin niyang maging maliwanag ang kanilang magiging bukas.— Irvin Cortez/CM, GMA News
Narito ang ilang pang mga web narratives ng mga kuwentong itinampok sa programa:
Regalong sinturon: Ang kuwento sa likod ng Kayang Massacre
Marahas na kaarawan: Ang kuwento ng lalaking nag-amok sa Caloocan
Kawayan: Ang misteryo sa likod ng pagkamatay ni Jayvee Vitug
Ganti ng dating kasintahan: Ang kaso ng lalaking sinabuyan ng asido
Sa mga kamay ng manggagamot: Ang kuwento ng dukot-mata sa Pangasinan
Ang bisita nina nanay: Ang kuwento ng Palawan double murder case
Ang bracelet ni Pabo: The Guagua double murder case story
'Taong Putik': Ang kuwento sa likod ng Kawit hostage drama
Uuwi na si Daisy: Isang 'Imbestigador' Exclusive
‘Self-Defense Instinct’: The Rafael Parricide story

Tags: webexclusive, bobon
More Videos
Most Popular