ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Baby Angel: Ang kaso ng sanggol na biktima ng rape-slay
Ang kuwentong ito ay unang itinampok sa "Imbestigador". Ang mga larawang ginamit ay halaw sa pagsasadula ng kaso. Napapanood ang "Imbestigador" tuwing Sabado ng hapon, 4:45 PM, pagkatapos ng Wish Ko Lang. I-like ang official Facebook page ng Imbestigador para sa updates.

Mula sa Cebu, piniling makipagsapalaran ng mag-asawang sina Rowell at Maritess — hindi nila tunay na pangalan. Mahirap man kasi ang buhay, nakikita nilang susi ang mga oportunidad sa Maynila para makawala na sa kahirapan.
Walang-wala man pagdating sa siyudad, naging sandigan ng mag-asawa ang isa't isa sa pakikipagsapalaran sa Kamaynilaan.
Kabi-kabilang mga trabaho ang pinilit pasukin ng mag-asawa, subalit dahil parehong hindi nakatapos ng pag-aaral, nahirapan silang makahanap ng mapapasukan.
Dahil dito, napilitang matulog muna sa kalsada ang mag-asawa. Sa umaga, nangangalakal sila o kaya nama'y namamalimos para lamang magkapera. Masasabing hindi naging mapagbigay kina Rowell at Maritess ang kapalaran.
Hanggang sa isang biyaya ang kanilang matanggap: Ang kanilang panganay na anak. Naging inspirasyon siya ng mag-asawa para lalong magsumikap upang makaalis sa kinasasadlakang kahirapan.
Sa kanilang pamamalimos, nakaipon ng kaunting puhunan ang mag-asawa para sa tingi-tinging paninda. Sa pagsusumikap din ni Rowell ay nakabili sila ng pedicab para may magamit sila sa pangangalakal. Kahit papaano, unti-unting bumabangon ang munting pamilya habang nakikipaglaro sa kapalaran.
"Nagtatabi po ako para makaupa na kami ng bahay," saad ni Rowell. Ayaw din daw kasi niyang nagtitiis sa kamang semento ang mag-ina niya kaya doble-kayod siya para makaipon.
Sa tuwing gabi kasi, natutulog lamang sina Rowell, Maritess at ang kanilang unica hija na si Baby Angel sa bangketa. Dahil nililibot nila ang Maynila sa kanilang pangangalakal, nagpapalipas lamang sila ng gabi kung saan daratnan ng dilim. Ito ang bagay na gustong baguhin sana ni Rowell.

Bangketa sa may bangko
Sa huling araw ng Hulyo ng kasalukuyang taon, maghapong nangalakal sa lungsod ng San Juan ang pamilya ni Rowell. Ayon pa kay Maritess, hindi pa nga noon lubusang gumagaling mula sa ubo at sipon si Baby Angel pero dahil kailangan nilang maghanapbuhay ay lumarga pa rin sila sa kalsada.
Gayunman, tutok na tutok pa rin sa pag-aalaga sa kanilang 11-buwang gulang na sanggol si Maritess. Kahit nga raw barya-barya lang ang kanilang kinikita ay hindi sila nagdalawang-isip na ipa-ospital ang anak nang lumala ang kalagayan nito.
Noong araw na iyon, sa bangketa sa tapat ng isang bangko sa Barangay Tibagan sa San Juan, naglatag ng kartong hihigaan ang pamilya. Ang sulok na iyon ang magiging tahanan ng mag-anak para sa gabing iyon.
"Hinele ko pa po ang anak ko, dahil hirap makatulog. Sinisipon pa rin kasi," kuwento ni Maritess. Hirap sa paghinga ang bata dahil barado ang daluyan ng hangin nito, kaya't inasikaso niya ang anak hanggang sa mahimbing.
Katabi niya itong natulog samantalang nasa likod naman ng ginang ang asawang si Rowell. Para sa mag-asawa, isang ordinaryong araw na bahagi ng kanilang pakikipagsapalaran ang Maynila ang natapos.
Sa halip, doon pala magsisimula ang isang bangungot.

Ang lalaki sa CCTV
Base sa kuha ng CCTV camera ng mga kalapit na etablisyimento, dakong-3:30 ng madaling araw, isang lalaki ang nakitang palinga-linga at umaaligid sa sanggol na si Baby Angel.
Mahimbing ang tulog ng mag-asawa pero nang sandaling maalimpungatan ang bata ay mismong ang lalaki pa ang nagpatahan dito. Nakita rin sa CCTV na hinalik-halikan ng lalaki ang bata.
Sa isa pang CCTV video, makikitang bitbit na ng lalaki si Baby Angel. Gumagalaw pa ang bata, pero kalung-kalong na ito ng mama sa CCTV.
Kinaumagahan, nagising sina Maritess at Rowell na wala na sa kanilang piling ang unica hija. Hindi nila lubos maisip na bigla na lamang mawawaglit sa kanilang piling ang sanggol.
Sa 'di kalayuan naman, nagulat ang jeepney driver na si Efren Martinez sa tumambad sa kanya. Nililinis ng tsuper ang kanyang sasakyan nang makita ang bangkay ng isang bata sa ilalim nito. Agad naman niya itong ipinagbigay-alam sa kinauukulan.
Higit sa isang araw din ang lumipas bago napagtagpi-tagpi ang mga pangyayari.
Ang bangkay na nakita sa ilalim ng jeep ay ang bangkay ng walang kamuwang-muwang na batang si Baby Angel. Base rin sa pagsusuri sa bangkay, lumalabas na ginahasa ang bata.
Nagtamo ito ng pinsala sa may bandang tiyan at nahiwa rin ang atay ng sanggol. Nakitaan din ng sugat sa may maselang bahagi ng katawan ang bata, tanda na pinagsamantalahan ito.
Wanted: Digoy
Agad namang ikinasa ng mga pulis ang imbestigasyon at base sa kuha ng CCTV ay may mga lumutang na saksing makatutukoy sa pagkakakilanlan ng lalaki. Siya kasi ang maaaring maging susi sa tunay na pangyayari lalo pa't siya ang huling nakitang kasama ng biktima nang ito'y buhay pa.
Kinilala ang suspek bilang si Arnel Tumbali alyas Digoy, na isa ring mangangalakal at palaboy sa lugar. Sabi ng isang saksi, tugma raw sa suot ng lalaki sa CCTV ang huling nakitang suot na damit ni Digoy. Sinuportahan pa ang anggulong ito nang lumutang ang dating katrabaho umano ng suspek at nagsabing ang damit na suot ng lalaki sa CCTV ay ang iniregalo niyang damit sa noo'y katrabahong si Digoy.
Sa kasalukuyan, itinuturing nang pangunahing suspek si Digoy sa pagdukot, panggagahasa at pagpaslang sa 11-buwang gulang na sanggol na si Baby Angel. Nagtatago pa rin ang suspek at naglaan na ng P100,000 na pabuya ang lokal na pamahalaan ng San Juan para sa agarang ikahuhuli ng suspek.
Kung may impormasyon sa kinaroroonan ni Arnel Tumbali alyas Digoy, agad itong ipagbigay alam sa lokal na pulisya ng San Juan.—Irvin Cortez/JDS, GMA News
Narito ang iba pang mga web narratives ng mga kuwentong itinampok sa programa:
Pusoy Dos: Kuwento ng pamamaslang dahil sa sugal
Bantay-mahalay?: Ang kaso ng pulis na inireklamo ng panghahalay
‘Anak ko ‘yan!’: Ang kaso ng batang pinag-aagawan
'Sextortion': Ang kaso ng dalagang ipinakalat ang hubad na larawan sa internet
Bodega: ang kuwento ng pagdukot kay Baby Ekham
Kuwadradong pag-ibig: Ang kuwento ng babaeng nagmahal sa tatlong lalaki
Love triangle: Kuwentong-krimen sa pagitan ng magkabarong pulis
Inside job: Ang kuwento ng panloloob sa pamilya Sinday
Regalong sinturon: Ang kuwento sa likod ng Kayang Massacre
Bantay-salakay: Ang pagkakatiklo ng most wanted ng Bobon
Marahas na kaarawan: Ang kuwento ng lalaking nag-amok sa Caloocan
Kawayan: Ang misteryo sa likod ng pagkamatay ni Jayvee Vitug
Ganti ng dating kasintahan: Ang kaso ng lalaking sinabuyan ng asido
Sa mga kamay ng manggagamot: Ang kuwento ng dukot-mata sa Pangasinan
Ang bisita nina nanay: Ang kuwento ng Palawan double murder case
Ang bracelet ni Pabo: The Guagua double murder case story
'Taong Putik': Ang kuwento sa likod ng Kawit hostage drama
Uuwi na si Daisy: Isang 'Imbestigador' Exclusive
‘Self-Defense Instinct’: The Rafael Parricide story

More Videos
Most Popular