ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Panggagahasa sa magkapatid ng iisang lalaki, aaksyunan sa 'Imbestigador'





“SEX SLAVES: MAGKAPATID” 
August 23, 2014, Sabado 
4:45 pm pagkatapos ng Startalk

 
Sa loob ng maraming taon, makailang-ulit silang pilit pinagsamantalahan. Sampung taong gulang lamang noon ang bata, labing-anim na taong gulang naman ang mas nakatatanda. Pero sa mura nilang edad, ninakaw ang kanilang kamusmusan.  

Pareho silang biktima ng panggagahasa na kalauna’y naging dahilan ng kanilang pagdadalantao. Ito ang magkatulad na sinapit ng magkapatid na dalagita sa kamay ng iisang lalaki. Ang bawat pagpiglas ng magkapatid - suntok, bugbog, pananakot ang naging kapalit. Dahil sa takot, wala silang nagawa kundi ang manahimik at itago ang sikretong matagal na ikinubli. 

Pero walang lihim na ‘di nabubunyag. Sa pagbubuntis ng magkapatid, nabunyag ang lihim sa likod ng dinanas nilang kalupitan.

Sino ang taong responsable sa paglapastangan sa dalawang dalagita? Paano mabibigyang hustisya ang dinanas nila?

Abangan ang makapanindig-balahibong rebelasyon at agarang pag-aksyon ng  nag-iisang Imbestigador ngayong Sabado ng hapon, pagkatapos ng Startalk at bago mag-24 Oras Weekend!