ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Hikaw' tampok sa 'Imbestigador' ngayong Sabado


“HIKAW”
November 8, 2014
pagkatapos ng Star Talk at bago ang 24 Oras Weekend
 
Nasa ika-anim na baitang sa elementarya si Abigail. Matalino. Masipag. Pangarap maging isang guro. Pero sa isang iglap, nabura ang kaniyang mga pangarap.
 

Dinaratnan mong ligtas kahit mag-isa siya sa bahay, pero paano kung isang araw, ang iyong anak, madatnan mong isa nang malamig na bangkay sa loob mismo ng sarili niyong tirahan?

 
Basag ang bungo, tanggal ang marami sa kaniyang mga ngipin at halos walang saplot ang katawan. Ito ang brutal na sinapit ng batang si Abigail, labing-isang taong gulang.
 
 
Nanatiling palaisipan sa mga otoridad at sa mga magulang ang pagkamatay ng bata. Hanggang isang piraso ng plastik na hikaw ang magbibigay ng kasagutan sa misteryo ng pagpaslang.
 


 
Sa pagganap nina Sunshine Dizon, Neil Ryan Sese, Leandro Baldemor at Jillian Ward bilang ang batang si Abigail –  alamin ang mga kasagutan sa likod ng nangyaring “Norzagaray Murder”. Sino ang salarin sa pagpatay kay Abigail? Ano ang motibo sa pagpatay sa bata? Makamtan kaya ng pamilya ang inaasam na hustisya?