ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Bunso' tampok sa 'Imbestigador'
“BUNSO”
November 22, 2014
pagkatapos ng Star Talk at bago ang 24 Oras Weekend


“Daddy’s Girl” ang tawag sa walong taong gulang na si April, bunso sa apat na magkakapatid. Malapit siya sa kaniyang mga kapatid, lalo na sa kaniyang ama. Si April din ang nagsisilbing gabay sa bawat galaw ng ina niyang malabo ang paningin. Kaya lubos na ‘di matanggap ng pamilya na bigla na lamang nawala ang “Bunso” nila.
Natagpuang walang buhay ang walang muwang na si April. Walang saplot at kumpirmadong ginahasa. Hindi inasahang ang simpleng pag-angkas niya sa bisikleta, biyahe palang magdadala sa kaniya sa hukay. Kasama ang isang binatilyo, inangkas sa bisikleta si April. Pero sa halip na ibaba sa kanila, nagpatuloy sa pagpedal ang lalaki at inilagay sa kapahamakan ang angkas niyang bata.
Noong una ay naging palaisipan sa lahat ang totoong sinapit ni April. Hanggang naging susi sa pagtagni-tagni ng mga kuwento at pagtukoy sa salarin ang mga nakunan ng closed-circuit television o CCTV camera.
Noong una ay naging palaisipan sa lahat ang totoong sinapit ni April. Hanggang naging susi sa pagtagni-tagni ng mga kuwento at pagtukoy sa salarin ang mga nakunan ng closed-circuit television o CCTV camera.
Ano ang mga laman ng CCTV camera? Sino ang maysala sa karumal-dumal na pagpaslang sa batang otso anyos?
Sa hindi matatawarang pagganap nina Ricky Davao, Angelu De Leon at Mona Louise Rey, sundan ang buong kuwento sa sinapit ng ni April sa nag-iisang Imbestigador, ngayong Sabado ng hapon, pagkatapos ng Startalk at bago ang 24 Oras Weekend.
More Videos
Most Popular