ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Serial Rapist?' isisiwalat sa 'Imbestigador'


“SERIAL RAPIST?”
Imbestigador
Sabado, December 20
pagkatapos ng Startalk
 
Isa-isang lumantad ang mahigit sampung babae sa Lungsod ng Caloocan. Iba’t ibang pagkakataon pero iisa ang kanilang pinagdaanan. Ang modus ng salarin– bantay salakay siyang nanloob at pinagnakawan ang bahay na pinasok. Pero hindi pa siya nakuntento at walang awa niyang pinagsamantalahan ang mga biktima.

 
Dalawang taon nang tinutugis ang salarin. Pero hindi siya natimbog ng mga alagad ng batas. Hanggang isang karumal-dumal na krimen ang tuluyang magpapabagsak sa kaniya. Sa kaniyang pagkakadakip, napagtagni-tagni ng mga awtoridad na ang serye ng iba’t ibang kaso ng pagnanakaw at panggagahasa – iisa lang pala ang maysala!

 
Huwag palalagpasin ang Imbestigador ngayong Sabado, December 20, pagkatapos ng Startalk at bago ang 24 Oras Weekend.