ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kaduda-dudang Tubig at Ice Cream


Episode airs April 28, 2007 Imbestigador examines water refilling stations that have sprouted in Metro Manila and ‘dirty’ ice cream sold in mobile carts to see how these are produced. Prepare your stomach for what Imbestigador has found out and see if these favorite thirst quenchers can really alleviate your longing for something cold during the hot summer days. Stay tuned on Saturday, 9:30 pm on GMA 7. Ngayong tag-araw, kaligayahan na para sa marami ang maka-inom ng malamig na tubig. Kung noon ayos na ang tubig gripo, ngayon di na ito sapat. Marumi raw kasi madalas ang tubig mula sa gripo. Kaya naman parang kabuteng nagsulputan ang mga water refilling stations. Dumaan na raw kasi sa mabusising proseso ang tubig dito kaya tiyak ng malinis. Pero sigurado nga ba talaga kayo sa tubig na binibili ninyo? Sa Sabado, samahan si Mike Enriquez at ang Imbestigador silipin ang ilang mga water refilling station. Ihanda ang inyong mga sikmura sa matutuklasan ng premyadong programa gamit ang kanilang hidden camera! Ang tubig na inyong binibili maaring mas dugyot pa sa tubig sa inyong bahay! Masarap na panangga rin ng init ang ice cream. Kaya patok na patok ang mga sorbeets tuwing summer. Pero bago isubo ang paborito ninyong pampalamig, alamin muna kung saan ito nanggaling. Di kaya galing ito sa pagawaang nabuko rin ng Imbestigador? Mula raw sa mga mangagawa hanggang sa mga kagamitan, ang pabrika saksakan ng dumi! Huwag maging biktima ng mga kaduda-dudang tubig at ice cream! Tutukan ang Imbestigador ngayong Sabado, 9.30 ng gabi sa GMA 7.
Tags: imbestigador