ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Anomalya sa Eleksyon, Kuryente at Bumbero
Episode airs on May 5, 2007. Imbestigador Mike Enriquez probes reported anomalies in the voterâs list for the May 14 mid-term elections. He also takes a look at suspicious activities of firemen in Navotas, the sudden surge of electricity voltage in Porac, Pampanga as well as a hospitalâs practice of detaining patients who could not fully pay hospital bills. Tagalog version Anomalya sa Eleksyon, Kuryente at Bumbero Ibubulgar ng Imbestigador! Mismong kawani ng Comelec ang lumapit sa Imbestigador at Newsbreak. Ma-anomalya raw ang listahan ng mga botante at presinto. Animnapuât limang porsiyento ng mga botante raw ang inilipat ng presinto kaya maaring hindi sila makaboto at magamit ng mga mandarayang pulitiko. Katulad sa Valenzuela, mahigit pitong libong botante raw ang inilipat ng presinto kahit hindi dumaan sa tamang proseso. Pangangamba naman ang nangingibabaw sa mga tao sa Brgy. Villa Juanita sa Porac, Pampanga. Biglang tumaas kasi ang boltahe ng kanilang kuryente. Ikinamatay ito ng isang binata na nagtangkang isalba ang kanilang pamilya. Marami ang nasugatan at nasiraan ng tv, celfone at iba pang mga appliances. Inirereklamo naman ng mga residente ang kahina-hinalang sipag ng mga bumbero sa Brgy. Hulong Duhat sa Navotas. Panay raw ang hakot ng tubig mula sa fire hydrant ng mga trak ng bumbero tuwing hapon. Ang ipinagtataka raw ng mga residente, wala naman silang nababalitaang sunog sa kanilang lugar. Sa pagsisiyasat ng Imbestigador hindi pala sa sunog kundi sa mga swimming pool ibinabagsak ang mga hinahakot na tubig! Ang mga napapanahong anomalya ngayong eleksyon at tag-init ang iimbestigahan ni Mike Enriquez sa nag-iisang Sumbungan ng Bayan, ang Imbestigador, Sabado 9pm sa GMA7. Imbestigador Line-up: 1. Anomalya sa Voterâs List Animnapuât limang porsiyento ng mga botante raw ang inilipat ng presinto kaya maaring hindi sila makaboto at magamit ng mga mandarayang pulitiko. Katulad sa Valenzuela, mahigit pitong libong botante raw ang inilipat ng presinto kahit hindi dumaan sa tamang proseso. Ganito rin daw ang kalagayan sa Quezon City at Tondo, Manila. Ito ang ibinulgar ng mismong empleyado ng Comelec. 2. Raket o Kawanggawa? Kahina-hinala raw ang sipag ng mga bumbero sa Navotas sa Brgy. Hulong Duhat sa Navotas. Mula sa fire hydrant naghahakot ng tubig ang mga trak ng bumbero. Pero wala namang sunog sa kanilang lugar kaya nagtataka sila kung bakit abalang-abala ang mga bumbero. Kaya nagsiyasat na ang Imbestigador. 3. Brgy. Kuryente Binalot ng takot ang mga residente ng Brgy. Villa Juanita sa Porac, Pampanga. Biglang tumaas kasi ang boltahe ng kanilang kuryente. Ikinamatay ito ng isang binata nagtangkang isalba ang kanilang pamilya sa maaring sakuna. Marami ang nasugatan at nasiraan telebisyon, mga celfone at iba pang mga appliances. 4. Rescue ng bata sa Hospital Mahigit tatlong buwang namalagi sa isang ospital si baby Emmanuel. Hindi siya mailabas ng mga magulang dahil wala silang pambayad sa mahigit isandaang libong pisong hospital bill. Kaya humingi na ng tulong sa Imbestigador ang mga magulang ng sanggol. 5. Solidong Boto ng KJC Ang Kingdom of Jesus Christ na pinamumunuan ni Pastor Apollo Quiboloy ay may 2 milyong miyembro na rehistradong bumoto. Ang i-eendorso ng kanilang pinuno siya rin nilang iboboto. Kaya sa magarbong pagdiriwang ng kaarawan ni Pastor Quiboloy sa Mt. Apo dumagsa ang mga pulitiko kabilang ang mga senatoriables na sina Legarda, Recto, Pichay, Singson at Escudero. Ito ang eksklusibong nakunan ng Imbestigador.
More Videos
Most Popular