ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Kaso ng 8-anyos na batang ginahasa ng dalawang kaanak, sisiyasatin ng 'Imbestigador'
“MAYMAY”
Sabado, Enero 7
pagkatapos ng Startalk at bago ang 24 Oras Weekend
Walong taong gulang lamang si “Maymay”. Siya ay ulila sa ama, iniwan naman ng ina na nagtatrabaho sa ibang bansa. Hindi man lumaki kapiling ang mga magulang, nanatiling bibo at masayahing bata si “Maymay”.




Hanggang may napansing pagbabago kay “Maymay”. Wala na ang dati niyang saya. Wala na rin ang dati niyang sigla.
Naging tikom ang bibig ni “Maymay” nang paulit-ulit siyang tanungin ng mga kamag-anak sa kaniyang problema. Hanggang tuluyang binasag ng bata ang kaniyang katahimikan. Sa pagkakataong ito, handa na niyang isiwalat ang mabigat niyang dinadala.




Sa mura niyang edad – siya ay dumagdag sa mahabang listahan ng mga biktima ng panggagahasa. Hinipuan, hinubaran hanggang tuluyang pagsamantalahan. Makailang ulit umanong ginawa ito sa kanya. At hindi lang din iisang tao ang itinuro niyang maysala. Ang masaklap pa, ang mga akusado - naturingang nag-aalaga at kadugo ng bata!

Sundan ang kuwento ng batang si “Maymay” sa IMBESTIGADOR ngayong Sabado ng hapon, February 7, pagkatapos ng Startalk at bago ang 24 Oras Weekend.
More Videos
Most Popular