ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Pag-iibigang winasak ng pakikiapid, tampok sa 'Imbestigador'


“TRIANGULONG PAG-IBIG”
Sabado, Pebrero 14
pagkatapos ng Startalk at bago ang 24 Oras Weekend



 
Masarap umibig sa iisa. Pero kung may iba pang mahal, hindi lang ito mahirap, bawal na, mapanganib pa.  
 
Madaling nagkapalagayan ng loob sina Francia at Bryan. Hanggang tuluyan silang naging magkasintahan. Sila ay nagsama at nagkaroon ng dalawang anak. Hikahos man sa buhay ang dalawa, naging tanging sandigan nila ang isa't isa.
 
Pero isang lalaki ang susubok sa tatag ng kanilang pagsasama - si Manuel. Napalapit si Francia kay Manuel at nagkaroon ng ugnayan ang dalawa. Natuklasan ni Bryan ang relasyon ng kasintahang si Francia at Manuel. Dito na nagsimula ang masalimuot na problema. Nasira ang pagsasama ng dalawa. Nauwi sa kamatayan ang buhay ng isang biktima. Nakulong naman ang nakapatay sa kaniya.   
 
Sa Araw ng mga Puso, ngayong Sabado, sundan kung paano humantong sa madugong pagwawakas ang isang kuwento ng buhay pag-ibig - sa IMBESTIGADOR!