ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Unsavory chicharon; stolen child
Episode on June 9, 2007 Saturday night after Kapuso Mo, Jessica Soho Filipinos love chicharon (pork cracklings) as an appertizer or even to spice up viands. But not all chicharon is prepared in hygienic conditions. Imbestigador, led by veteran broadcast journalist Mike Enriquez, exposes a food factory in Bulacan that churns out chicharon using not just pig skin but also buffalo skin and cooks it in oil reused so many times it has blackened. The factory is also located near a pig sty. The program also features Rina, whose life is as dramatic as a tele-novela. Rina sought Imbestigadorâs help to recover her six-month-old child sold by her husband to a religious group. When she first tried to get back âJerome", the religious group had told her that the infant had been offered to God and would die if she insisted on taking him away. The program also helps out a motorcyclist seek compensation from a company that owned the bus that collided with his bike and caused him serious injury, tries to put a stop to the prostitution of boys at a reclamation area in Pasay City, and calls authoritiesâ attention to a security agency that operates with an expired license.
Chakang chicharon at binentang bata Mahirap tanggihan ang takam ng malutong na chicharon! Kaya naman sikat na sikat ang ito sa ating mga Pinoy. Madalas ipulutan at isinasahog din sa ulam ang chicharon. Pero ganahan ka pa kaya kung malaman kung paano ginagawa ang inyong paborito? Simulan natin sa pangunahing sangkap â ang balat! Bukod pala sa balat ng baoy, madalas din gamitin ang balat ng kalabaw. Inilulubog ito sa mantikang tila grasa na sa itim. Syempre sobrang kadiri rin ang amoy at hitsura ng pabrika na katabi pa mismo ng babuyan! Makakatikim ng bangis ng Imbestigador ang chakang chicharon ngayong Sabado. Ibubunyag ng grupo ni Mike Enriquez ang masangsang na sikreto ng pagawaang ito sa Bulacan. Tampok din sa Imbestigador ang mala-telenobelang pagbawi ni Rina sa anim na buwang gulang niyang anak na ibinenta ng kanyang asawa sa grupong relihiyoso. Nang unang tangkain ni Rina na bawiin si baby âJerome", hindi ito ibinigay sa kanya. Ang isinagot sa kanya ng grupo â inialay na ang sanggol sa Amang Diyos kayaât mamatay ito kapag kinuha ni Rina! Abangan ang mga kapana-panabik na eksena sa Imbestigador, ngayong Sabado 9pm sa GMA7. Dugyot na Chicharon May ilang pagawaan ng chicharon sa Bulacan na bagsak sa kalinisan ang isinumbong sa Imbestigador. Huling-huli sa kamera ang kadugyutang ginagawa nila. Isang inspection ang isinagawa sa mga pagawaang ito. Kung hindi sila susunod sa itinatakda ng Sanitation Code of the Philippines, maari siang tuluyan nang mapasara. Bangayan sa Bata Naghihinagpis si Rina matapos ibenta ng kanyang asawa ang anim na buwang gulang nilang anak. Wala siyang kaalam-alam na binili na ang sanggol ng isang relihiyosong grupo. Pero mas kinilabutan si Rina dahil nang binabawi na niya ang anak, ipinatutubos sa kanya ng grupo at pinagbantaan pa siyang mamatay ito kapag binawi niya. Bus vs Motorsiklo Bali-bali ang buto sa braso at binti, naputol ang daliri at warak-warak ang motorsiklo ni Jessie matapos mahagip ng isang pampasaherong bus. Pero ang mas nakalunlungkot para kay Jessie, hindi man lang siya tinulungan ng kumpanya ng bus sa pagpapagamot. Kaya humingi na siya ng tulong sa Imbestigador. Batang Baywalk Trese anyos pa lang si âDiego" pero nagkaroon na siya ng tulo â isang sakit na nakukuha sa pakikipagtalik. Nakuha raw niya ito sa kakatambay sa âputol na tulay", ang tambayan ng mga kabataan at mga bakla sa reclamation area sa Pasay City. Nakumpirma rin ng Imbestigador na patuloy pa rin ang pagmomolestiya sa mga kabataan sa nabanggit na lugar. Isyu sa Sekyu Isang security agency ang nago-operate kahit paso na ang lisensiya. Pati mga sekyu at baril na gamit nila, hindi rin rehistrado. Tumatanggap rin daw ang ahensiya ng aplikanteng sekyu kahit hindi pumasa bastaât magbayad lang. Magkasamang inaksionan ng Imbestigador at SAGS-D (Security Agencies and Guards Supervision Division) ang reklamo.

Tags: imbestigador, mikeenriquez
More Videos
Most Popular