ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Malambat na kaya ng 'Imbestigador' ang isa sa most wanted rapists ng QC?


“MAGKAPATID”
Sabado, Mayo 23
pagkatapos ng Startalk, bago ang 24 Oras Weekend


 
Mabuti at mabait daw sa kanila noong una. Pero 'di naglaon, hindi kabutihan kundi kapahamakan pala ang dala ng taong pinagkatiwalaan nila.
 
Parehong pinagnasaan ang magkapatid na “Honey” at “Sara.” Nakaligtas si “Sara” mula sa tangkang panghahalay. Pero ang nakababata niyang kapatid na si “Honey,” bigong pigilan ang ginawang pananalbahe sa kanya.

 
Sa edad na katorse, tinakot, hinubaran at ginahasa si “Honey.” Ang ginawang pang-aabuso sa dalagita, hindi lang minsan nangyari kundi muling naulit pa.
 
Sinampahan ng kaso ni “Honey” ang itinurong gumahasa sa kanya – ang sarili nilang amain! Matapos ang apat na taong pagtatago, nalambat na ang suspek sa tulong ng Imbestigador!

 
Abangan ang mga hindi matatawarang pagganap at umaatikabong aksyon sa Imbestigador, ngayong Sabado ng hapon, pagkatapos ng Startalk at bago ang 24 Oras Weekend.