ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
High school high
Episode on July 7, 2007 Saturday, 9:30 p.m. Imbestigador, led by host and veteran broadcast journalist Mike Enriquez, catches on camera a group of students in a pot session right inside a classroom. Itâs recess and instead of having snacks, the students are passing around a lit marijuana stick. In the rest rooms, students are busy smoking too. They do their stuff despite a roving village guard and reportedly, despite several complaints already lodged with the school administration. âJon-jon" is among many thousands of public school students in Quezon City. When he once hang out with some truant classmates to âjam", his mother got wind of it and immediately transferred him to another school, fearing it would start her son down the path of drug addiction. 1. Gambling den near a police station A carnival in Biñan, Laguna is actually an illegal gambling den, say some residents. Itâs also just 20 meters from the local police station but residents allege policemen receive a regular âcollection" for their inaction. 2. Videoke bar front Videoke bars have cropped up in Barangay (village) Abangan Norte in Marilao, Bulacan. Residents complain that these are actually fronts for the flesh trade that employ GROs without work permits and underaged young women. 3. School of pot Illegal drug use, particularly the smoking of marijuana, is said to be rampant at a public high school. Imbestigador catches some of these students in the act. 4. Pilfering rice and fuel Filching rice and gasoline is reportedly a common practice at Barangay Minuli in Carrangalan, Nueva Ecija. Trucks line up along the highway waiting for the pilfered products. 5. 'Faith healer' A faith healer in Calamba, Laguna who calls herself Sister Mega is alleged to be engaged in questionable medical practice. Sister Mega charges P2,884 per consultation and warns her clients that they would face terrible misfortune if they fail to pay. Watch these Imbestigador stories on Saturday, 9:30 p.m. on GMA-7. Mga Bagets na "high" sa loob ng kanilang High School bistado ng Imbestigador! 07 July 2007 Sa kamera ng Imbestigador, kuhang-kuhang ang isinasagawang pot session ng mga estudyante sa loob mismo ng classroom! Recess time sa eskwela pero sa halip na merienda, marijauana ang pinagpapasa-pasahan ng mga estudyante. Sa pasilyo naman, yosi ang pinagkaka-abalahan! Ginagawa nila ang kanilang "extra-curricular activities" kahit pa may mga nakatalagang barangay tanod na pagala-gala sa loob ng kanilang paaralan. Patuloy ang kakaibang "breaktime" ng mga high school students kahit pa raw ilang reklamo na ang nakarating sa mga guro at pamunuan ng eskwela. Isa si "Jonjon" sa libo-libong mag-aaral sa pampublikong paaralan na ito sa Quezon City. Minsan na rin daw na naki-jamming siya sa mga kaklase. Nang malaman ito ng kanyang inang si Aling "Maring", agad siyang inilipat ng eskwelahan. Natatakot kasi ang ina na tuluyan nang malulong sa masamang bisyo ang kaniyang anak na teenager. Sa pagmamanman ng Imbestigador, nakumpirma ang mga sumbong. At tuwing gabi, tuloy rin sa paninigarilyo't illegal na droga ang mga bagets sa kanilang alma matter. Abangan ang magiging aksyon ng Sumbungan ng Bayan at ng mga otoridad sa mga high school na "high"! Tutukan ang Imbestigador, ngayong Sabado 9.30 ng gabi sa GMA 7. 1. Sugalan sa tabi ng police station Tiba-tiba raw ang isang peryahan sa Biñan, Laguna. Gabi-gabi kasi, napakaraming parokyano ang pumupunta rito para maglibang - at magsugal. Bata man o matanda, babae o lalaki ay nahuhumaling sa iba't-ibang sugal dito tulad ng color game. Kapansin-pansin rin ang lapit ng sugalan sa istasyon ng pulis na mahigit kumulang dalawampung metro lang ang layo. Ayon sa isang impormante, regular daw na kumukuha ng "koleksyon" ang mga pulis dito. 2. Malaswang videoke bar Sa Barangay Abangan Norte, Marilao, Bulacan naglipana ang mga videoke bars Ngunit ang mga ito ay pawang front lamang daw ng bentahan ng laman. Sa mga bahay aliwang ito nagtratrabaho ang mga GRO na walang working permit at may mga menor de edad pa na nagtatrabaho rito. Sinasabing iisa lamang ang may hawak sa lahat ng ito na siyang naglalagay sa kinauukulan upang patuloy na magkaroon ng proteksyon ang kanilang negosyo. 3. Yosi break at pot session Sa isang pampublikong paaralan sa sekondarya, lantaran daw ang paggamit ng pinagbabawal na gamot, ang marijuana. Dahil sa natanggap na sumbong mula sa isang impormante nagmatyag ang Imbestigador sa naturang paaralan, doon napatunayan namin na ganun nga kagarapal ang mga estudyante sa paggamit ng marijuana, ang marijuana session ay nakunan ng aming camera sa loob mismo ng silid aralan at pasimano ng gusali. 4. Buriki ng bigas at gasolina Sa Minuli, Carrangalan, Nueva Ecija, laganap daw ang pagbuburiki ng mga saku-sakong bigas at paihi ng gasolina. Trak-trak ang pumaparada sa highway mismo para bawasan ng tamang timbang ang mga bigas na dala-dala nila. Mula Martes hanggang Linggo ay may mga nagbuburiki ng bigas. Ayon sa nagreklamo, mahigit 7 taon na raw nagaganap ang ganitong klaseng gawain sa kanilang lugar. 5. Mambabarang Isang faith healer na nagngangalang Sister Mega mula sa Calamba, Laguna ang inirereklamo dahil sa kwestyonable nitong panggagamot at nakakatakot na pamamaraan ng paniningil sa mga pasyente niya. Kapag kumunsulta raw ang isang pasyente, sinisingil siya ng minimum na P2,884. Sa panggagamot, gumagamit siya ng langis at isang bagay na may tusuk-tusok at dinadampi ito sa balat ng pasyente. Kapag singilan na at kulang ang bayad ng pasyente, tinatakot niya ito at sinasabing kukulamin o di kaya ay babarangin. Panoorin ang mga kuwentong ito ng Imbestigador sa ika-7 ng Hulyo, Sabado ng gabi pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA-7.
More Videos
Most Popular