ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Kaso ng 'Davao Massacre,' sisiyasatin sa 'Imbestigador'
DAVAO MASSACRE
Sabado, Hunyo 6
pagkatapos ng Startalk bago ang 24 Oras Weekend

Ang unang inakalang salarin ay naabsuwelto at ang mismong biktima nga ba ang maysala?
Ika-20 ng Mayo, 2015, isang kagimbal-gimbal na krimen ang nangyari sa Davao City. Ito ang kaso ng tinaguriang “Davao Massacre” na naganap kamakailan. Apat na katao ang natagpuang patay sa loob ng isang bahay. Ang mga biktima - ang kapwa dose anyos na sina “Joan” at “Linda”, ang ginang na si Virginia at isang disi-siyete anyos na si Philip. Lahat sila ay natagpuang may mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.


Unang pinaghinalaang sangkot sa krimen ang may-ari ng bahay na si Ramon. Pamilya ng kasintahan ni Ramon ang mga biktima. Inimbitahan sa presinto at itinuring na suspek sa krimen si Ramon. Pero sa pagpapatuloy ng imbestigasyon, isang “suicide note” ang nakita sa pinangyarihan ng krimen! Ito nga ba ang tuluyang magpapawalang-sala kay Ramon? Maaari nga kayang ang isa sa mga biktima ang pumaslang sa mga kasama niya sa bahay?





Abangan ang natatanging pagganap ng batikang aktor na si Allan Paule at Kapuso teen stars na sina Barbara Miguel at Vincent Magbanua.
Huwag palagpasin ang Imbestigador ngayong Sabado, pagkatapos ng Startalk at bago ang 24 Oras Weekend sa GMA!
More Videos
Most Popular