ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Pagpaslang sa mag-ina sa Bataan, sisiyasatin sa 'Imbestigador'


MAG-INA: BATAAN DOUBLE MURDER CASE
July 11, 2015 pagkatapos ng Startalk at bago ang 24 Oras Weekend
Kahit malayo sa isa’t isa, madalas pa ring mag-usap ang mag-asawang Marlon at Mariven. Naghahanapbuhay sa ibang bansa si Marlon habang nasa Bataan naman ang kanyang mag-ina.
Nitong a-kinse ng Hunyo, labis ang pag-aalala ni Marlon. Lumipas kasi ang magdamag na hindi niya matawagan ang asawa. Hanggang pinapuntahan niya sa bahay ang kanyang mag-ina at natuklasan ang malagim na sinapit nila.
Sa loob ng sarili nilang tirahan, natagpuang bangkay ang asawa at dalawang taong gulang na anak ni Marlon, tadtad ng saksak ang buong katawan nila. Si Mariven, nagtamo ng higit animnapung saksak samantalang ang batang si Alyzza, may mahigit dalawampung saksak din!
Sino ang nasa likod ng karumal-dumal na krimen? Ano ang motibo sa walang-awang pagpaslang sa mag-inang Mariven at Alyzza?
Huwag palagpasin ang Imbestigador ngayong Sabado, July 11, pagkatapos ng Startalk at bago ang 24 Oras Weekend sa GMA.
More Videos
Most Popular