ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Misteryo sa pagkawala ng isang bata sa Pangasinan, tututukan ng 'Imbestigador' ngayong Sabado
“MAISAN”
August 22, 2015
pagkatapos ng Star Talk at bago ang 24 Oras Weekend
Sa pagganap nina Katrina Halili, Buboy Villar at Elijah Alejo
Magtiyuhin ang sampung taong gulang na si Ellaine at ang labing-apat na taong gulang na si Jayson. Magkaklase sa Grade 5 ang dalawa. Madalas silang magkalaro at lagi ring sabay sa pagpasok sa eskuwela. Tulad ng nakagawian, magkasama ang dalawa nang pumasok noong umaga ng ika-2 ng Pebrero. Nakapasok sa klase si Jayson. Pero natuklasang hindi nasilayan sa eskuwela si Ellaine.
Laking gulat ng ina ni Ellaine nang nalamang hindi pumasok sa eskuwela ang anak. Tumindi ang kanyang pag-aalala dahil umabot na ng takipsilim pero hindi pa rin dumarating si Ellaine. Hindi nagkandaugaga sa paghahanap ang tiyuhing si Jayson at pamilya ni Ellaine. Pero bigo silang makita ang bata. Sa masukal na maisan, pasado alas-siyete ng gabi, isang bata ang natagpuan. Wala nang buhay ang batang nakita.
Sa pagganap nina Katrina Halili, Buboy Villar at Elijah Alejo, tuklasin ang misteryo sa pagkawala ng batang si Ellaine.
Nasaan na ba si Ellaine? Siya nga kaya ang batang natagpuan sa maisan? Ano ang tunay na sinapit niya? Ilalantad na ang buong kuwento sa Imbestigador ngayong Sabado, 4:45 PM pagkatapos ng Star Talk at bago ang 24 Oras Weekend.
Tags: prstory
More Videos
Most Popular