ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Dalagitang tinangay mismo sa loob ng bahay, hahagilapin sa 'Imbestigador'


 


“GING”
November 28, 2015
pagkatapos ng CelebriTV at bago ang 24 Oras Weekend


Tinangay, ibinahay, at ginahasa. Ito diumano ang sinapit ng isang dose anyos na batang babae.

Si “Ging”, 'di niya tunay na pangalan, unica hija ng mag-asawang “Crisanto” at “Nena”. Parehong abala sa trabaho sa bukid ang kaniyang mga magulang kaya palaging naiiwan mag-isa sa bahay si “Ging”. Hanggang isang araw, isang lalaki ang pumasok sa kanilang bahay. Tinangay at tinakas daw palayo ang bata. Puspusan ang ginawang paghahanap ng mag-asawa sa kanilang solong anak. Pero umabot ang pitong buwan, hindi nila natagpuan si “Ging”.

Nasaan na nga ba ang bata? Ano ang kaniyang tunay na sinapit? Sino ang sinasabing dumukot sa kaniya?

Sundan ang kuwentong ito sa IMBESTIGADOR ngayong Sabado ng hapon, November 28, pagkatapos ng CelebriTV at bago ang 24 Oras Weekend.

Tags: prstory, rapecase