ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Dugyot na pagawaan ng mga pagkain, matitimbog sa "Imbestigador"


“Dugyot Pa More!”
Imbestigador Special Report
Pebrero 13, 2016

 


Kadiring balat ng longganisa, dugyot na pagawaan ng tinapa at mantikang nanggigitata! Kaya mo bang masikmura?

 


 


Sa isang pagawaan ng tinapa – nabisto ang nanlilimahid na mga lutuan at mga insektong mistulang nagpa-party kasama ang mga tinapa. Sa kalapit na lugar, nabunyag pa ang isang maruming sikreto! Tiyak na hindi ka mapapa-extra rice sa balat ng longanisa na nakasabit sa ibabaw ng ilog ng basura. Pero teka, sa pareho ring lugar, “mantikilyuck” naman ang inilalako, said na sa itim ang mantikang nanggigitata.

 


 


Bago ka mawalan ng gana, sasalakay na ang mga kawani ng Health and Sanitation Department ng Lungsod ng Maynila  kasama ang Imbestigador  para wakasan ang tila paghahasik ng  lagim  ng mga dugyot na pagawaan.

‘Wag palampasin ang espesyal na ulat ng Imbestigador ngayong Sabado, pagkatapos ng CelebriTV!