advertisement
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Dasmariñas rape-slay case, sisiyasatin ng 'Imbestigador'


 


“Abegail”
Sabado, June 25
Sa pagganap nina Ryza Cenon, Rodjun Cruz at Milkah Nacion

Ika-sampu ng Abril taong kasalukuyan, nagpaalam na lumabas ang sampung taong gulang na si Abegail Castillo. Pero hindi na nakauwi pa sa kanila ang bata.

 


Puspusang hinanap si Abegail. Hindi nakatulog ang kaniyang ina, naglakad siya nang naglakad hanggang makita raw niya ang anak sa isang lugar malayo na sa kanilang tirahan. Pero nang lapitan niya ang anak, naglaho raw na parang bula.

 


Kinabukasan, natagpuan ang bata. Pero si Abegail, nakatali ang mga kamay, may saksak sa tagiliran at sa leeg, walang saplot pang-ibaba at isang malamig na bangkay.

 


Sa pagganap nina Ryza Cenon, Rodjun Cruz at Milkah Nacion, ilalantad na ang misteryong bumalot sa pagkamatay ng batang si Abegail. Ano nga ba ang nangyari at sino ang pumaslang sa kaniya? Ano ang motibo sa malagim na krimen?

 


‘Wag palampasin ang Imbestigador ngayong Sabado, June  25 sa GMA-7!

LOADING CONTENT