ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Krimen sa loob ng isang aparador sa Dumaguete, sisiyasatin sa 'Imbestigador'


 



BATA SA APARADOR
July 23, 2016
Sa pagganap nina Mike Tan, Ina Feleo at Epi Quizon

Sa aparador madalas mga damit ang makikitang nakalagay. Pero sa isang aparador sa Dumaguete, kahindik-hindik ang natuklasang laman. Isang malamig na bangkay ng batang paslit ang natagpuang nakasilid sa punda ng unan at nakatago sa loob ng aparador!


Matapos ang bente kuwatro oras, natuldukan ang paghahanap sa batang si Jonalyn. Bibo, masayahin at malambing ang tatlong taong gulang na bunsong si Jonalyn. Pero sa murang edad, nawakasan ang kanyang buhay.

Ano nga ba ang tunay na sinapit ng bata? Sino ang nasa likod ng malagim na krimen?

‘Wag palampasin ang Imbestigador ngayong Sabado ng hapon, July 23 sa GMA!