ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kaso ng lalaking nakunan ang sarili niyang killer, balikan sa 'Imbestigador'


 

Masayang sinalubong ng pamilya Dagsa ang pagpatak ng Bagong Taon noong 2011. Kinunan ng larawan ng barangay kagawad na si Reynaldo Dagsa ang kanyang pamilya sa tapat ng kanilang bahay.

 


Pero hindi lang ang pamilya niya ang rumehistro sa kamera kundi maging ng dalawang misteryosong lalaki. Ang isang lalaki – nakatutok ang baril kay Reynaldo. Habang ang isa naman tila nagsilbing “look out”. Sa isang iglap, ang masayang pagdiriwang, nauwi sa bangungot matapos pagbabarilin ang padre de pamilya.

Natukoy ang dalawang lalaking nakunan sa kamera. Kalaunan, natukoy din ang iba pa nilang kasabwat sa krimen.  Ano ang motibo sa pagpaslang? Ano ang kinahinatnan ng kaso matapos ang anim na taon?

‘Wag palampasin ang nangungunang Imbestigador sa bisperas ng Bagong Taon, Sabado, December 31 pagkatapos ng Wish Ko Lang!