Kaso ng panggagahasa sa isang ginang, sisiyasatin sa 'Imbestigador'
Best Investigative Program, 2017 Gawad Tanglaw
Best Investigative Program, 2017 NwSSU Students’ Choice Awards for Radio and Television (NSCART)
Best Investigative Program, 2017 Paragala Awards
MIKE ENRIQUEZ, HALL OF FAME, GAWAD BAGANI SA KOMUNIKASYON 2017
Gawad Para sa Makabagong Mandirigma
Sa Larangan ng Radyo at Telebisyon
“BUSAL”
Sa pagganap nina Empress Schuck, Rodjun Cruz at Bryan Benedict
Sabado ng hapon, March 11 pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA

Iginapos. Piniringan. Binusalan. Paulit-ulit pinagsamantalahan.
Ito ang kalbaryong sinapit ng isang ginang sa loob ng kanilang tirahan.
Mapagmahal na asawa at maarugang ina sa tatlo niyang anak ang itinago namin sa pangalang “Rose”. Pero isang lihim ang pilit niyang ikinubli, isang lalaki ang gumahasa sa kanya. Dahil sa mga pagbabanta ng suspek, tiniis ni “Rose” ang nangyari pero nauwi ito sa paulit-ulit na pananamantala sa kanya.
Hanggang nagkaroon ng lakas ng loob si “Rose” para basagin ang kanyang katahimikan. Tuluyan niyang isiniwalat ang sinapit na kalbaryo at pinangalanan ang lalaking nasa likod nito.
Sino ang suspek sa panggagahasa sa biktima? Mapasakamay kaya siya ng mga otoridad?
‘Wag palampasin ang nangungunang Imbestigador ngayong Sabado ng hapon, March 11 pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA!