Kaso ng pamilyang pinagsasasaksak sa sarili nilang tahanan, sisiyasatin sa 'Imbestigador'
Best Investigative Program, 2017 Gawad Tanglaw
Best Investigative Program, 2017 NwSSU Students’ Choice Awards for Radio and Television (NSCART)
Best Investigative Program, 2017 Paragala Awards
MIKE ENRIQUEZ, HALL OF FAME, GAWAD BAGANI SA KOMUNIKASYON 2017
Gawad Para sa Makabagong Mandirigma Sa Larangan ng Radyo at Telebisyon
_2017_03_25_04_49_01.jpg)
“BONNET”
Sa pagganap nina Ella Cruz, Rey PJ Abellana at Mikoy Morales
March 25, Sabado ng hapon pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA
_2017_03_25_04_49_21.jpg)
Binulabog ng dalawang misteryosong lalaki ang payapang tirahan ng pamilya Atienza sa bayan ng Bay, Laguna nito lamang Enero. Nakasuot ng bonnet ang dalawang lalaking umatake sa pamilya.
Walang habas nilang pinagsasaksak ang mag-asawang Juancho at Francisca, maging ang kinse anyos nilang anak na si “April”. Bunsod ng mga natamong saksak, binawian ng buhay si Francisca at himala namang nakaligtas ang mag-ama.
Nang humupa ang krimen, lubos na ikinagulat ng pamilya at mga otoridad ang natuklasan. Dahil napuruhan din ang isang lalaking naka-bonnet na umatake sa mag-anak, naiwan siyang nakabulagta sa pinangyarihan ng krimen. Nang tanggalin ang kanyang bonnet, tuluyang nalantad ang kanyang pagkakakilanlan at isang pamilyar na mukha ang tumambad sa kanila.
Sino ang lalaking ito? Ano ang posibleng dahilan at humantong ito sa isang madugong krimen?
‘Wag palampasin ang isa na namang kaabang-abang na tampok ng nangungunang Imbestigador ngayong Sabado ng hapon, March 25 pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA!