ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kaso ng lalaking chinop-chop sa Rizal, sisiyasatin sa 'Imbestigador'


Pinakamagiting na Investigative Program, 5th  Kagitingan Awards for Television 2017
Best Investigative Program, 2017 Gawad Tanglaw
Best Investigative Program, 2017 NwSSU Students’ Choice Awards for Radio and Television (NSCART)
Best Investigative Program, 2017 Paragala Awards
MIKE ENRIQUEZ, HALL OF FAME, GAWAD BAGANI SA KOMUNIKASYON 2017
Gawad Para sa Makabagong Mandirigma Sa Larangan ng Radyo at Telebisyon

 


“CHOPCHOP SA SAN MATEO”
Sa pagganap nina Martin del Rosario, Rey PJ Abellana, Bryan Benedict at Prince Villanueva
May 20, Sabado ng hapon pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA

Pinira-pirasong katawan ng tao ang nahukay sa bakuran ng isang compound sa San Mateo, Rizal.

Unang nahukay ang itaas na bahagi ng katawan ng tao. Pero wala itong leeg, pugot ang ulo, walang mga braso at wala ring baywang at mga paa. Sumunod na nahukay ang balakang hanggang nakuha pa ang isang kamay. Kasunod naman nito ang dalawang putol na paa. At ang pinakahuling nahukay, isang pugot na ulo!

Nahirapan ang mga pulis noong una na tukuyin ang pagkakakilanlan ng biktima at ang mga naganap kaugnay ng malagim na pagpaslang. Pero sa tulong ng isang impormante, ang lugar na mismong pinangyarihan ng krimen, mga iba pang ebindensiyang nakalap, mga mahalagang kuha mula sa closed circuit television camera at salaysay ng mga itinuturons suspek, napagtagni-tagni ang kuwento at unti-unting nagkalinaw ang kaso.

Makilala pa kaya ang biktima? Bakit niya sinapit ang brutal na pagpatay? Ano ang motibo at sino ang nasa likod ng krimeng ito?

‘Wag palampasin ang isa na namang kaabang-abang na tampok ng nangungunang Imbestigador ngayong Sabado ng hapon, May 20 pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA!

Tags: pr, plug, imbestigador