Kaso ng panggagahasa sa babaeng may espesyal na kondisyon, sisiyasatin sa 'Imbestigador'
Pinakamagiting na Investigative Program, 5th Kagitingan Awards for Television 2017
Best Investigative Program, 2017 Gawad Tanglaw
Best Investigative Program, 2017 NwSSU Students’ Choice Awards for Radio and Television (NSCART)
Best Investigative Program, 2017 Paragala Awards
MIKE ENRIQUEZ, HALL OF FAME, GAWAD BAGANI SA KOMUNIKASYON 2017
Gawad Para sa Makabagong Mandirigma Sa Larangan ng Radyo at Telebisyon

“MONICA”
Sa pagganap nina Kris Bernal, Elle Ramirez, Phytos Ramirez at Rob Moya
May 27, Sabado ng hapon pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA
Siya si Monica. Hindi nakakapagsalita, hindi rin siya nakaririnig. Pero sa halip na pagkalinga, sinamantala ang kanyang kalagayan para siya ay abusuhin.
Nasaksihan mismo ng kanyang kapatid ang ginawang panghahalay kay Monica. Dalawang lalaki ang itinuring na “persons of interest” kaugnay ng nangyaring panggagahasa kay Monica.
Sa kabila ng kanyang espesyal na kalagayan, idinetalye ni Monica sa pamamagitan ng mga manika ang sinapit niya at tuluyang nadiin ang taong responsable sa krimen.
Sino ang tunay na gumahasa kay Monica? Mapagbayaran kaya niya ang kanyang kasalanan?
‘Wag palampasin ang isa na namang kaabang-abang na tampok ng nangungunang Imbestigador ngayong Sabado ng hapon, May 27 pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA!