ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Pagpatay sa isang mag-ina sa Nueva Ecija, sisiyasatin ng 'Imbestigador'
“MAG-IINA”
Sa pagganap nina Meg Imperial, Neil Ryan Sese, Rob Moya at JC Tiuseco
July 15, Sabado ng hapon pagkatapos ng Wish Ko Lang
Sa pagganap nina Meg Imperial, Neil Ryan Sese, Rob Moya at JC Tiuseco
July 15, Sabado ng hapon pagkatapos ng Wish Ko Lang
_2017_07_12_16_16_15.jpg)
Malagim ang sinapit ng mag-iinang Jonnalyn at dalawa niyang anak na sina Scarlett at Mac-Mac sa loob mismo ng kanilang tirahan sa Santo Domingo, Nueva Ecija.
Tadtad ng saksak at ginahasa pa ang ina. Paulit-ulit namang inuntog ang magkapatid. Walang malay na itinago sa ilalim ng hagdan si Scarlett at isinilid naman sa palikuran ng bahay ang apat na taong gulang niyang kapatid.
Mala-himalang nabuhay ang walong taong gulang na si Scarlett. Sa kanyang pagkakaligtas, tuluyan siyang naging susi sa pagkakalutas ng krimeng bumalot sa mag-anak.
Ano ang mga magiging rebelasyong ng batang si Scarlett? Paano siya nakaligtas? Ano ang motibo at sino ang nasa likod ng krimen?
Sundan ang buong kuwento ngayong July 15, Sabado ng hapon sa Imbestigador!
More Videos
Most Popular