Pagpatay sa isang beauty queen sa Davao, bubusisiin ng Imbestigador.
Maganda at matalino. Responsable at puno ng mga pangarap.
Ganito ilarawan ng kanyang mga magulang ang nag-iisa nilang anak na si Kimberly Autida, labing-siyam na taong gulang. Bukod sa husay sa klase, nagkaroon din ng interes si Kimberly sa pagsali sa mga beauty pageant sa kanilang lugar. Ang mga naiuuwi raw niyang premyo, ipinatatago niya sa kanyang ina para magamit sa pag-aaral.

Pero kamakailan, nawakasan ang buhay at mga pangarap ng dalaga. Wala na siyang buhay nang natagpuan ng kaniyang ama sa isang sapa sa Samal Island, Davao Del Norte. Walang saplot pang-ibaba, nakatali ang mga kamay at leeg at iniwang nakasubsob sa putikan.
Sino ang nasa likod ng pamamaslang at ano ang motibo sa brutal na pagpatay?
‘Wag palampasin ang isa na namang kaabang-abang na kasong tampok sa Imbestigador ngayong July 29, Sabado ng hapon pagkatapos ng Wish ko Lang.