Pag-aamok ng isang lalaki sa condo sa Pasay, sisiyasatin sa 'Imbestigador'

“AMOK”
Sa pagganap nina Ian de Leon, Diva Montelaba at Dhiara Shane Laburap.
Mainit na pinag-usapan ang pag-aamok ng isang lalaki kamakailan sa Central Park Two Condominium sa lungsod ng Pasay. Sinaksak at inihulog niya mula sa ikalabing-apat na palapag ng gusali ang kanyang karelasyon. Pero hindi pa rito natapos ang krimen. Bawat taong kanyang nakasalubong sa loob, inundayan niya ng mga saksak. Matapos nito, nauwi sa limang tao ang nasawi sa malagim na insidente kabilang na ang suspek.

Mula mismo sa kuwento ng mga nakaligtas, ilalahad ang komprehensibo at tunay na mga pangyayari mula umpisa hanggang nauwi sa madugong pagtatapos ang malagim na krimen.

‘Wag palalampasin ang Imbestigador ngayong September 23, Sabado ng hapon pagkatapos ng Wish Ko Lang!